Pacquiao binisita si PNoy sa Malacañang

 

 

 

Nag courtesy call si People’s Champ at Saranggani Rep. Manny Pacquiao kay Pangulong Benigno Aquino ngayong hapon.

Bandang alas-2 ng hapon ng dumating si Pacquiao sa Malacañang.

Bago ito ay tinanong na si PCOO Sec. Sonny Coloma hinggil sa detalye ng nasabing pagbisita ng pambansang kamao. Sa kabila nito ay tumanggi si Coloma na idetalye ang magaganap na pagbisita at sinabing ang pagkikitang ito sa pagitan ng dalawa ay tulad ng pagbisita ng isang tao sa kanyang kaibigan.

“Sa aking palagay ito ay pagkikita lamang ng dalawang magkaibigan at pagpapalitan ng paghanga at pasasalamat.” ani Coloma.

Ang pagbisita ni Pacquiao sa Palasyo ay bahagi na rin ng katatapos lamang na laban nito at pagkapanalo kontra kay Timothy Bradley kung saan nabawi nito ang WBO welterweight belt.

 

 

 

 

 

Advertisements