Abogado ni Luy at Tuason: Napoles hindi pwedeng state witness

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Naniniwala ang mga abogado nina whistleblower Benhur Luy at Ruby Tuason na hindi kwalipikadong maging isang state witness si pork barrel scam queen Janet Lim Napoles. 

Kasabay nito ay kapwa nagpahayag ng pagkabahala ang abogado ni Tuason na si Atty. Dennis Manalo at ang abogado ni whistleblower Benhur Luy na si Atty. Radji Mendoza sa posibilidad na maging state witness ang itinuturing na pork barrel queen.

Sinabi ni Manalo, na base sa mga ginawang statement ng kanyang kliyente ay hindi pwedeng maging testigo ng estado ang itinuturing na pork barrel scam queen. “Hindi siya compliant eh (as a state witness). We don’t see how it is possible that Mrs. Napoles can be granted the status of state witness,” ani Manalo.

Ayon naman kay Mendoza, kailangang makita nila ang sinasabing ginawang statement ni Napoles para maitanong sa kanilang mga kliyente kung tama ito. “If she’s not truthful, magka-kaproblema tayo, maaring magka-conflict doon sa mga nalantad na natin,” dagdag pa ng abogado.

Dahil dito nais din ng kampo ng mga testigo sa pork barrel scam na makausap si DOJ Sec. Leila De Lima para malinawan ang naturang isyu.

Maging ang kilalang abogado na si Atty. Raymond Fortun ay naniniwalang hindi pwedeng maging state witness si Napoles. Sa panayam ng programang Headstart ng ABSCBN News Channel iginiit ni Fortun na naniniwalang siyang si Napoles ang pinaka-guilty sa naturang kaso. “The requirement under Section 17, Rule 190 of the Rules of Court is that the witness applying must not be the most guilty” pahayag pa ng abogado. Ayon pa kay Fortun, kaduda duda rin ang ginawang pakikipag-usap ni De Lima kay Napoles sa kabila ng napakarami ng ebidensya tungkol sa kaso. “There’s already been a finding by the Ombudsman and the finding is to prosecute her for plunder. Now, for the justice secretary to now speak with the principal suspect before even the start of trial, this creates a lot of questions on the minds of the public as to why this move is being done at this time,” dagdag pa ng abogado.

Nilinaw naman ni De Lima na hindi naman niya sinasabing gagawing state witness si Napoles. Ayon sa kalihim, ang mahirap lamang na hindi gawin sa ngayon ay ang hindi pakinggan ang mga sasabihin ni Napoles sa kabila ng pagpapahayag niyo ng kagustuhang ng magsalita.

Ayon naman Malacañang, mananagot ang lahat ng sangkot sa pork barrel scam kahit pa ang mga sangkot dito ay kaalyado ng administrasyong Aquino. Sa press briefing kanina sa Palasyo sinabi ni Presidential Communication Operation Office Secretary Sonny Coloma na nakatuon ang administrasyon sa paghahanap sa katotohanan. “The symbol of justice of this country is a blind-folded lady carrying the scales of justice and that means there is no fear or favor in the exercise of our responsibility to bring to the bar of justice those involved in the alleged misuse of public funds,” pahayag pa ni Coloma. –DCR

 

 

 

Advertisements