ADVISORY: Oath taking ng mga bagong abogado sa May 5 na

 

Iniurong ng Supreme Court ang petsa ng panunumpa ng mga bagong abogado.

Ayon sa twitter account ng SC-Public Information Office, sa May 05 na itutuloy ang gagawing oath taking ceremony ng mga pumasa sa 2013 Bar Examination. ( https://twitter.com/SCPh_PIO/status/459567324018647040 )

Gagawin ang panunumpa sa isang special en banc session ng SC sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City na magsisimula ganap na 2:00 ng hapon.

Una ng itinakda ang oath taking ng mga bagong abogado sa Lunes, April 28, subalit iniurong ito ng korte dahil sa inaasahang matinding trapik sa mga kalsadang malapit sa PICC kaugnay ng pagbisita sa bansa ni US Pres. Barack Obama.

Nasa 1,174 na mga bagong abogado ang manunumpa sa May 05. -DCR

Advertisements