Matapos manigaw sa isang golf course, Roxas sinunspinde na

Tuluyan ng sinuspinde ng Wack Wack Golf and Country Club si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Epektibo ang suspensyon ni Roxas bilang “propriety member” sa loob ng dalawang buwan.

May kaugnayan ang suspensyon ng kalihim sa lumabas na mga ulat tungkol sa ginawa umanong pagmumura at paninigaw nito sa ilang empleyado ng golf course noong April 6.

Nabatid na nag-init ang ulo ng kalihim ng malaman nitong kailangan niyang magbayad ng halagang P5,100 para sa kasamang professional golfer na si Rey Pagunsan. Katwiran kasi ni Roxas, hindi naman maglalaro si Pagunsan kundi magtuturo lamang sa kanila ng golf.

Una ng humingi ng paumanhin si Roxas at nagpadala ng kanyang paliwanag sa mga opisyal ng Wack Wack Golf and Country Club hinggil sa insidente.

Unang lumabas ang istorya sa kolum ng mamamahayag na si Arnold Clavio sa pahayagang Abante.  Sa bagong kolum ni Clavio na lumabas noong Abril 23, binanggit nito na tatlong caddy sa naturang golf course ang pinakiusapan ng hindi binanggit na kampo para umano huwag ng tumestigo laban kay Roxas.

Napag-alaman naman ma marami sa mga empleyado ng nasabing golf course ang nais masuspinde si Roxas matapos ang inasal nito.

Sa pahayag naman ng Wack Wack Golf and Country Club, umaasa sila na matapos mailabas ang desisyon tungkol sa insidente ay maisasara na rin ang naturang isyu.-DCR

 

Maaari namang mabasa ang kolum sa pahayagang Abante ni Arnold Clavio tungkol sa insidente sa mga link na ito:

http://www.abante.com.ph/op/item/3622-hirit-na-boy-mura.html

http://www.abante.com.ph/op/item/3900-hirit-na-boy-mura-2.html

 

 

Advertisements