Cedric Lee naaresto na ng NBI

Naaresto na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang pangunahing suspek sa Vhong Navarro case na si Cedric Lee.

Ayon sa ulat ng abscbnnews.com, nadakip ng mga operatiba ng NBI si Lee sa bayan ng Oras, Eastern Samar.

Ayon kay Department of Justice Leila De Lima, kasamang nadakip ni Lee ang isa pa sa mga suspek sa pambubugbog na si Simeon Raz bandang 11:15 kaninang umaga.

Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong grave coercion at serious illegal detention na isinampa ng kampo ng actor TV host na si Vhong Navarro.

Matatandaan na nitong Abril 21 ay nagpalabas ng warrant of arrest ang Taguig Metropolitan Trial Court Branch 74 laban kina Raz, Lee, Deniece Cornejo Jed Fernandez at Ferdinand Guerrero.

Nakalabas naman ng bansa noong April 10 si Jose Paolo Calma sa kabila ng lookout bulletin para dito. Napag-alaman na ‘John Paul Calma’ ang pangalang nakalagay sa lookout order kaya nakalusot pa rin sa Bureau of Immigration ang suspek.-DCR

Advertisements