Bilang ng mga nagkakatigdas sa US dumadami

 

Dumadami ang bilang ng mga nagkakasakit ng tigdas (measles) sa Amerika. Ito ang kinumpirma ng US Center for Disease Control and Prevention (CDC).

Ayon sa ulat, nakapagtala na ng hindi bababa sa 129 kaso ng tigdas sa US ngayong taon dahilan para ideklara na ang ‘measles oubreak’  sa 13 estado nito. Karamihan umano sa mga nagkaroon ng tigdas ay mula sa bahagi ng Washington, California at New York.

Ayon sa CDC, ito na ang pinakamalaking bilang ng mga nagkakatigdas simula noong 1996.

Batay sa ulat ng The Washington Post, nasa 34 kaso ng tigdas ang nakuha dahil sa paglalakbay sa ibang bansa. Isa ang Pilipinas sa mga bansang tinukoy sa umano’y pinanggalingan ng mga taong nagkatigdas na kalaunan ay nakahawa naman sa iba pang mga biktima.

Sa tala ng CDC, ang California ang may pinakaraming kaso ng mga nagkatigdas kung saan 58  kaso ang naitala. Sinusundan naman ito ng New York na merong 24 kaso ng nagkatigdas habang 13 naman ang mula sa Washington.

 

 

Kaugnay nito, binigyang diin ng CDC ang kahalagahan ng bakuna laban sa tigdas. Anila, sa loob ng 20 taon napigilan ng pagbabakuna laban sa tigdas ang 322 illnesses, 21 million hospitalizations 732,000 na kaso ng pagkamatay dahil sa naturang sakit.

Dito sa Pilipinas matatandaang nagkaroon din ng outbreak sa mga nagkakatigdas nitong unang bahagi ng 2014. Sa tala ng Department of Health, umabot sa 744 ang naitalang kaso ng tigdas sa Metro Manila mula Enero hanggang Disyembre noong nakaraang taon.-DCR

Advertisements