Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng US at Pilipinas nalagdaan na

Gazmin and Goldberg

DND Sec. Voltaire Gazmin (left) and US ambassador Philip Goldberg (right) during the signing of Enhance Defense Cooperation Agreement in Camp Aguinaldo today Image from: http://1-ps.googleusercontent.com/h/newsinfo.inquirer.net/files/2014/04/300x225xgazmin-goldberg-hands-300×225.jpg.pagespeed.ic.oTzTcpeT92.jpg

Nilagdaan na ngayong araw ng Pilipinas at Amerika ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA. Si United States ambassador Philip Goldberg ang lumagda sa kasunduan para sa US habang si Department of National Defense Secretary Voltaire Gazmin naman ang lumagda para sa Pilipinas. Layon ng kasunduan na palakasin pa ang depensa at ugnayan ng US at Pilipinas. Kabilang sa mga layunin ng kasunduan ay ang interoperability, capacity building towards AFP modernization, strengthening AFP for external defense, maritime security, maritime domain awareness at human assistance and disaster response. Nilagdaan ang kasunduan ilang oras bago dumating sa bansa ngayong araw si US Pres. Barack Obama para sa kanyang dalawang araw na state visit. Magiging epektibo ang EDCA sa loob ng 10 taon. Ang naturang kasunduan ay tumutukoy para sa increase rotational presence ng hukbong Amerikano sa bansa. Sa kabila nito nilinaw ni Goldberg na ito ay hindi nangangahulugan ng pagbabalik sa bansa ng mga base militar ng US. “It will not reopen US bases. It is an agreement to enhance our defense relationships,” pahayag pa ng embahador. Nilinaw din ni Goldberg na makakatulong ang EDCA para harapin ng dalawang bansa ang mga makabagong hamon sa kasalukuyang panahon. “It (EDCA) will also serve as an update of our security alliance to meet the increasingly complex challenges of the 21st Century, whether it is terrorism, trans-national crime, or natural disasters like Typhoon Haiyan,” dagdag pa nito. Para naman kay Gazmin ang kasunduan ay tanda ng pagiging matibay na magkaalyado ng dalawang bansa. “The document we signed only manifests the defense relationship between the Philippines and the United States but equally serves as a framework for furthering our alliance as encapsulated in the Enhanced Defense Cooperation. Underpinned by the common goal being able to meet the security challenges that both the Philippines and the United States share in common, our alliance has continued to evolve as both our countries continuously search for mechanisms that would enhance our individual and collective abilities to face such security challenges,” pahayag ng kalihim. Hati naman ang mga senador hinggil sa naganap na pirmahan ng bagong kasunduan sa pagitan ng US at Pilipinas. Ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, kailangan munang aprubahan ng Senado ang naturang kasunduan. “This is an unfair surprise on the Philippine Senate which, under the Constitution, shares the treaty-making power with the President. All the while, the Committee on Foreign Relations, of which I am chair, expected that any such Agreement would be signed by the two Presidents,” pahayag ng senadora. Para naman kay Sen. Antonio Trillanes IV, pabor para sa Armed Forces of the Philippines ang naturang kasunduan. Tiwala rin umano ang senador na legal ang mga nakasaad sa EDCA. Halos ganito rin ang naging pahayag ni Sen. Bam Aquino. Aniya, sumasang-ayon siya sa EDCA dahil alam niyang makakatulong ito kapwa sa US at Pilipinas. “Ako’y sumang-ayon na ang lahat ng ating papasuking kasunduan ay dapat naaayon sa Saligang Batas, tayo ang may kontrol at awtoridad sa anumang aktibidad o pasilidad pang-militar sa bansa,  ito ay hindi permanente at higit sa lahat, ang kasunduan ay kapaki-pakinabang para sa dalawang bansa,” pahayag pa ng senador.

PNoy and Obama

US Pres. Barack Obama and Philippine Pres. Benigno Aquino III during Obama’s two day state visit in Manila. Image from: https://www.facebook.com/presidentnoy/photos/a.754571147908968.1073742099.141976959168393/754571287908954/?type=3&theater

Una ng nilinaw ng Malacañang na ang EDCA ay hindi tugon sa pambubully sa bansa ng China. Sa kabila nito, naganap ang paglagda sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea. Kasunod nito nagpasalamat naman si Pangulong Benigno Aquino sa administrasyong Obama dahil sa suporta nito sa bansa.  Sa joint press briefing kasama si Obama ngayong hapon sinabi ng Pangulo na katulad ng US naniniwala siyang kailangang maresolba ang territorial dispute sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng mapayapang resolusyon. “I thank President Obama for U.S. support for our government’s efforts in modernizing and enhancing its defense capabilities. The Philippines-U.S. Enhanced Defense Cooperation Agreement takes our security cooperation to a higher level of engagement, reaffirms our countries’ commitment to mutual defense and security, and promotes regional peace and stability.”  “Both President Obama and I share the conviction that territorial and maritime disputes in the Asia-Pacific region should be settled peacefully, based on international law. We affirm that arbitration is an open, friendly, and peaceful approach to seeking a just and durable solution,” pahayag pa ng Pangulo.-DCR

Advertisements