Pagbisita sa bansa ni Obama sinalubong ng protesta


Sinalubong ng protesta mula sa mga militanteng grupo ang pagbisita ni United States President Barack Obama dito sa Pilipinas. Si Obama ay nasa bansa para sa kanyang dalawang araw na state visit.

Umaga pa lamang ay nakapwesto na sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang mga militanteng grupo sa pangunguna ng Bayan.

Ayon kay Renato Reyes secretary general ng grupong Bayan, walang benepisyong nakukuha ang mamamayang Pilipino mula sa pananatili ng mga tropang Amerikano sa bansa. Ayon pa kay Reyes, ang pagbisita ni Obama sa bansa ay nagpapakita lamang ng patuloy na mala-kolonyal na relasyon sa pagitan ng US at Pilipinas. Obama is in Manila to further the goals of the American empire. The visit will be a reaffirmation of more than a century of colonial and neo-colonial relations. The Filipino people do not stand to benefit from the presence of more US troops and more economic liberalization. Today we protest to tell the imperialist chieftain that we reject his agenda for Asia and we reject being a neo-colony, pahayag pa nito.

Kasabay nito, tinuligsa rin ng Bayan ang paglagda sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) o ang pinirmahang kasunduan ngayong araw sa pagitan ng Amerika at Pilipinas. Layon ng EDCA ang pagdaragdag ng mga tropang Amerikano sa bansa para umano sa depensa at pagtugon sa mga kalamidad.

Tinawag din ng grupo bilang isang uri ng pagtataksil ang naganap na paglagda sa naturang kasunduan. Ayon pa kay Reyes, ang pagbisita ni Obama sa bansa at ang paglagda sa EDCA ay nangangahulugan ng pagtungo sa Pilipinas ng mas marami pang bilang ng tropang Amerikano. “Obama’s visit solidifies the status of the Philippines as the most important US colonial outpost in Southeast Asia. Under the US strategic pivot, more US troops are coming and will be stationed here on a permanent basis despite the denials of the two governments. On the economic front, the US has already endorsed the amendments to the Philippine constitution which would eliminate all protections for the domestic economy as a requisite for joining the Trans Pacific Partnership Agreement,” pahayag pa ni Reyes.

 

Obama-PNoy effigy

Sinunog ng mga militanteng grupo ang effigy nina PNoy at US Pres. Obama sa paanan ng Mendiola. Image from: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10152421896674311&set=a.10150541301984311.402801.641384310&type=1&theater

 

Una ng sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, na kukwestyunin nila sa Supreme Court ang legalidad ng EDCA. Balak din umano ng grupo na iakyat ang usapin sa international court ayon pa sa mambabatas.

Matapos namang dumating ni Obama sa Malacañang ay nagmartsa naman mula sa Liwasang Bonifacio ang mga nagpoprotesta patungong Mendiola.  Bitbit ang kanilang panawagan, mariing kinundena ng iba’t ibang grupo ang pagbisita ni Obama at patuloy na pananatili ng mga tropang Amerikano sa bansa.

Isang effigy rin nina Obama at PNoy ang sinunog ng mga aktibista bilang bahagi ng kanilang programa.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng Manila Police District na magiging mapayapa ang mga magaganap na protesta sa Maynila. Bagama’t nabaklas ng mga nagpoprotesta ang barikada sa Mendiola, siniguro naman ng MPD na hindi makakalusot ang mga ito patungo sa Palasyo.-DCR

Advertisements