Rear Admiral Millan bagong commander ng Philippine Navy

20130921115100!PN_Seal

May bago ng pinuno ang Hukbong Dagat ng Pilipinas. Ito ay sa katauhan ni Rear Admiral Jesus C. Millan.

Ayon sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines, papalitan ni Milan ang magreretirong si Vice Admiral Jose Luis M. Alano na nakatakdang magretiro sa darating na Huwebes, Mayo 1.

Si Milan ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1982 (Sandigan).

Matatandaan na itinalaga rin ni PNoy ang ‘mistah’ ni Millan na si Major General Jeffrey Delgado ng PMA Sandigan Class bilang bagong pinuno ng Philippine Air Force.

Ilan sa mga parangal na tinanggap ni Millan ay ang Bronze Cross Medals, Distinguished Navy Cross,  at Distinguished Service Star.

Bago maitalaga sa nasabing pwesto, si Millan ang commander ng Naval Forces Western Mindanao (NavForWeM).-DCR

 

Advertisements