Isang araw matapos ang World Press Freedom Day, Journo sa Tawi-Tawi pinatay

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang isang mamamahayag sa Bongao, Tawi-Tawi noong Linggo ng gabi.

Isang araw matapos gunitain ng bansa ang World Press Freedom Day ay napatay ang biktimang si Richard Najid 35, malapit sa kanyang tirahan sa Brgy.Tubig Boh sa bayan ng Bongao.

Si Najid ay kasalukuyang acting manager ng DXNN PowerMix FM. Bago mapunta sa naturang istasyon ay naging reporter din ang biktima sa dxGD sa bayan ng Jolo, Sulu.

Nabatid na pauwi na ng kanyang tahanan ang biktima mula sa paglalaro ng basketball noong Linggo ng gabi ng sabayan ng riding in tandem bago pinagbabaril.

Kinundena naman ng iba’t ibang media organization ang naganap na pagpaslang.

Ayon sa inilabas na statement ng kahahalal pa lamang na pangulo ng National Press Club na si Joel Egco, walang dapat sisihin sa bandang huli si Pangulong Benigno Aquino III kundi ang sarili nito dahil sa pagpayag nitong maglipana ang mga media killer sa bansa.

Kasabay nito, sinabi pa ni Egco na ang naganap na pagpaslang kay Najid ay karagdagang kahihiyan sa administrasyon ni PNoy dahil sa kawalang pakialam nito sa hanay ng media. “Najib’s murder came barely a week after Mr. Aquino blabbered helplessly when asked to explain why media killings persist under his administration. This is a clear indication of lack of real concern or plain disregard for the deadly plight of Filipino journalists. He couldn’t even get his facts straight,” dagdag pa ni Egco.

Kinundena rin ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) ang naganap na pagpaslang kay Najib. Kasabay nito, pinuna rin ng grupo ang mabilis na pagsasabi ni Tawi-Tawi provincial police director Senior Supt. Joselito Salido na ang naganap na pagpaslang ay maaaring walang kaugnayan sa trabaho ng biktima bilang isang disk jockey.

nujp-logo

“While investigators say they have yet to establish the motive for the killing, it is disturbing that Tawi-Tawi provincial police director Senior Supt. Joselito Salido has immediately and baselessly dismissed the possibility of Nadjid’s murder being work-related, calling the victim “just one disc jockey, a person that plays popular music on FM radio station. He is not a journalist.” “That the chief of a province’s police force can display not only insensitivity but, more alarming, ignorance reflects on the quality of what is supposed to be the country’s main law enforcement agency and explains why media murders and human rights violations in general continue to be committed with impunity,” pahayag pa ng grupo.

Mabilis ding kinundena ng Palasyo ang pinakabagong kaso ng pagpaslang sa miyembro ng media sa bansa. Ayon kay PCOO Sec. Sonny Coloma, inatasan na nila ang Philippine National Police para alamin, dakpin at panagutin ang mga respnsable sa krimen.

Si Najid ang ika-27 na mamamahayag na pinatay sa ilalim ng administrasyong Aquino. Ang biktima rin ang pangalawang mamamahayag na pinatay sa bayan ng Bongao sa ilalim pa rin ni PNoy.

Nitong nakaraang buwan ng Abril ay inilabas ng Committee to Protect Journalists ang kanilang 2013 Impunity Index kung saan, nananatili pa rin ang Pilipinas sa ikatlong pwesto bilang pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag sa buong mundo.-DCR

 

 

Advertisements