Panawagan ng China para palayain ang 11 Chinese poachers, hindi pinansin ng Pilipinas

hasa hasa

Image retrieved from: http://thepinoyweekly.com/?p=8555

Sa kabila ng pagbabanta ay hindi pinansin ng Pilipinas ang panawagan ng China na palayain na ang 11 Chinese poachers na nahuli sa teritoryong sakop ng bansa malapit sa Hasa Hasa Shoal (Half Moon Shoal).

Una ng nanawagan ang Beijing sa Pilipinas na agad nitong pakawalan ang mga hinuling 11 mangingisdang Tsino sa West Philippine Sea.

Sinabi ng China, labag sa soberanya ng kanilang bansa ang ginawa ng Pilipinas. Kasabay nito ay nagbabala rin sila sa bansa na tigilan nito ang mga mapanghamong hakbang laban sa kanila.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nadakip ang mga Tsinong mangingisda sa karagatang sakop ng Exlusive Economic Zone ng bansa dala ang mga ipinagbabawal na uri ng yamang dagat.

Sa kabila nito ay siniguro naman ng DFA na itatrato ng maayos ang mga nadakip na Chinese poachers. “The seizing of the Chinese fishing boat, carrying large numbers of endangered species, and the apprehension of its crew by the Philippine National Police Maritime Group Special Boat Unit were undertaken as actions to enforce maritime laws and to uphold Philippine sovereign rights over its EEZ.Relevant authorities in Palawan will address this case in a just, humane and expeditious manner,” pahayag ng DFA.

Ganito rin ang naging pahayag ng Philippine National Police (PNP). Ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima, bahagi ng teritoryo ng bansa ang lugar kung saan nadakip ang mga mangingisdang Tsino malapit sa Hasa-Hasa Shoal.

Kinontra din ni Purisima ang sinabi ng Beijing na nakakadagdag lamang umano ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China ang naganap na pagdakip sa mga mangingisdang Tsino. Ayon kay Purisima, ginagawa lamang ng PNP ang kanilang tungkulin.

Sinabi naman ni Communication Secretary Sonny Coloma na ang naging aksyon ng PNP Maritime Group ay alinsunod lamang sa mandanto nitong ipatupad ang wildlife at maritime laws ng bansa.

Ayon pa sa kalihim, ang ginawa ng PNP Maritime Group ay hindi naglalayong palalain ang hidwaan sa pagitan ng China at Pilipinas tungkol sa usapin ng agawang ng teritoryo.

Ani Coloma, ipinatutupad lamang ng kapulisan ang batas matapos mahuli sa pangangalaga ng mga Tsino ang hindi bababa sa 500 pawikan na ipinagbabawal hulihin sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Maging ang grupong  Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) ay binatikos ang China dahil sa paghuhuli nitong sa mga endangered species na pawikan. Kasunod nito, nanawagan din ang grupo kay Pangulong Benigno Aquino III na magsampa ng diplomatic protest laban sa China kasunod ng nasabing insidente. “It is our legitimate right to apprehend any foreign fishermen who illegally enter Philippine territory. The Chinese poachers caught with at least 500 sea turtles must be detained, penalized, and prosecuted. The Aquino administration must also immediately file a diplomatic protest against this latest bullying episode by the Chinese government,” pahayag pa ng grupo.

Nanawagan naman ang Amerika sa dalawang panig na resolbahin ang usapin sa mapayapang paraan. “We of course have seen those reports that Philippine police have seized Chinese and Philippine fishing boats carrying illegally harvested sea turtles in the South China Sea, approximately 60 miles off the coast of the Philippines, and detained their crews. We urge both sides to work together diplomatically. Given the United States works with the international community to combat wildlife trafficking, we are concerned that the vessels appear to be in engaged in direct harvest of endangered species of sea turtles,” pahayag ng United States Department.

Matatandaan na dinakip ng mga operatiba mula sa PNP Maritime Group ang 11 Chinese Poachers matapos mamataan ang mga ito malapit sa Half Moon Shoal na may layong 60 nautical miles lamang sa Palawan.

Nakumpiska sa bangka ng mga mangingisda ang hindi bababa sa 500 buhay at patay na pawikan.

Ang paghuli sa mga pawikan na kabilang sa mga endangered species sa bansa ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act.-DCR

Advertisements