Sugatang Army personnel sa pagsabog sa Fort Bonifacio pumanaw na

FvfPArmy0240_06

Pumanaw na kaninang umaga ang isang army corporal na kabilang sa mga malubhang nasugatan matapos sumabog ang gusali ng Philippine Army Explosives and Ordinance Division (EOD) sa Fort Bonifacio, Taguig City noong Martes.

Nakilala ang nasawi na si Army Corporal Bernabe Mota, 30.

Ayon kay Army Spokesman Lieutenant Colonel Noel Detoyato, pumanaw ang biktima bandang 10:01 kaninang umaga sa Armed Forces of the Philippines Medical Center sa V. Luna, Quezon City.

Matatandaan na sumabog ang storage facility ng EOD noong Martes matapos itong masunog na nagdulot sa pagkasugat ng higit 30 katao.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon para madetermina ang sanhi ng sunog. Sa ngayon ay pinag-iisipan ng ilipat ang Army Support Command sa Camp Aquino sa lalawigan ng Tarlac.DCR

Advertisements