NFA Administrator Calayag nag-resign na

Nagbitiw na sa kanyang pwesto si National Food Authority (NFA)  Administrator Orlan Calayag.

Ito ang kinumpirma ni NFA Spokesman Rex Estoperez.

Napag-alaman na bahagi umano ng protocol ang pagbibitiw sa pwesto ni Calayag sa NFA. Ito ay upang mabigyan ng kalayaan si Presidential Assistant for Food Security and Agricultural and Agricultural Modernization Francis “Kiko” Pangilinan na makapamili ng mga taong nais niyang mamuno sa NFA.

Nabatid na personal ding ibinigay ni Calayag ang kanyang resignation letter kina Pangilinan at Executive Secretary Paquito Ochoa.

Si Calayag ay naitalaga sa NFA noong Enero 2013 matapos magbitiw ng dating ring administrador ng tanggapan na si Lito Banayo para naman sa May 2013 Election.-DCR

Advertisements