PNoy inaming matagal ng nakita ang pork barrel scam list

Inamin ni Pangulong Benigno Aquino III na dati pa niya nakita ang sinasabing listahan umano ng mga sangkot sa pork barrel scam mula kay Janet Lim Napoles.

Ginawa ni PNoy ang pagbubunyag sa nakita niyang ‘Napolist’ kahapon sa media briefing sa Association of Southeast Asian Nations  (ASEAN) Summit sa Myanmar.

Ayon sa Pangulo, nakita niya ang sinasabing listahan ng mga sangkot sa anomalya bago pa makipagkita si DOJ Sec. Leila de Lima kay Napoles. “I think I have seen, iyong physically seen, I have seen two and they don’t agree with each other exactly.They supposed to have come from Mrs. Napoles,” pahayag pa ni PNoy.

Una ng nagkita sina De Lima at Napoles sa Ospital ng Makati at dito umano ibinigay ng pork barrel queen sa kalihim ang listahan ng mga sangkot sa nasabing anomalya.

Ayon din sa Pangulo, lumalabas na ang hawak na listahan ni Rehabilitation czar Panfilo Lacson ay ikatlong bersyon na ng Napolist. “Senator Lacson was telling me of another list given to him by relatives of Mrs. Napoles. Again, there is a substantial detail there that doesn’t again agree with the other two. So when you ask me, ‘Did you see a list?’ I think the best answer is I have seen physically two lists and I am told that there is a third list,” dagdag pa nito.

Sinabi ni PNoy na nakuha niya ang unang bersyon ng listahan at ibinigay niya it okay De Lima para sa kaukulang beripikasyon. “Iyong first one, I think, was transmitted to me, which I in turn gave to Secretary de Lima. At that point in time, she (Napoles) didn’t want to talk to Secretary de Lima. The second list naman with Secretary de Lima was when she asked to meet with Secretary de Lima when she had a change of heart,” ayon pa kay PNoy.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi nagtutugma tugma ang nilalaman ng mga listahang nagmula umano kay Napoles. “Iyong unang list na ipinadala sa akin X numbers sabihin natin. Iyong next list na nakita ko, minus three. Tapos iyong binabanggit sa akin (Lacson list) parang plus four. O di ba, parang, ‘Ano ba talaga ate?’ Hindi ba? Parang ganun,” pahayag pa ng Pangulo

Ayon pa sa Pangulo, tila may motibo na lalo lamang magulo ang imbestigasyon sa pag-iimbestiga ng P10B pork barrel scam dahil sa paglutang ng iba’t ibang bersyon ng listahan. “Is it safe to reveal? Parang even that by itself, you have to resolve first why are there differences in the information you are getting from the one witness who is supposed to be narrating facts? So one cannot escape, parang the suspicion that instead of trying to clarify matters, (they) are trying to cloud the whole issue, make the process much more difficult.”  “Tatapunan ka ng detalye, kinonfuse iyong buong issue. By the time ready ka tapos na iyong two years namin na natitira. Pero siyempre conscious tayo na baka ganun rin iyong objective. Pero I was really taken aback by that changing of numbers. That seems to be such a very principal and material fact,” dagdag pa ng Pangulo.

Dahil dito sinabi ni PNoy na nangangailangan na mas maigting pang pag-iimbestiga tungkol sa nilalaman ng listahan. Ayon pa sa Pangulo, hindi siya makikialam sa imbestigasyon kaugnay ng Napolist. “I don’t want to talk to her (Napoles). She can talk to the people who will be in a position to evaluate evidence, and that means primarily lawyers,” pahayag ni PNoy.

Kanina ay naglabas na ng subpoena ang Senate Blue Ribbon Committee para isumite ni De Lima sa kanila ang sinasabing listahang ibinigay sa kanya ni Napoles. Sa pagbubunyag naman ni Lacson kaninang umaga rin ay sinabi nitong hindi bababa sa 21 senador na wala na at nakapwesto pa rin sa Senado ang kasama sa listahang hawak niya. Bukod dito ay may dalawang miyembro rin umano ng gabinete ni PNoy na kasama sa listahan.-DCR

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements