Chito Miranda and Neri Naig Wedding Proposal

Chito Neri

Chito Miranda and Neri Naig Image from: Bida Kapamilya blogspot

Nag propose na  si Chito Miranda sa girlfriend nitong si Neri Naig.

Sa video na inilagay ni Miranda sa kanyang twitter account  ay makikita kung paano pinlano at ginawa ni Chito ang wedding proposal.

Naganap ang grand wedding proposal ng Parokya ni Edgar lead vocalist sa isang private resort.

Sa video, walang kaalam-alam si Neri na isang wedding proposal para sa kanya ang magaganap.

twitter chito

Ayon kay Chito, isang kunwaring shoot para sa isang music video ang ginawa nila para hindi mahalata ni Neri ang kanyang sorpresa.

Sa screen projector sa kanyang harapan unang nabasa ni Neri ang mga katagang “Ako na yata ang pinaka swerteng lalaki sa buong Cavite dahil mapapangasawa ko ang pinaka magandang babae sa Eastwood…..kung papayag siya?”

Sa kalagitnaan ng video ay makikita ang isang umiiyak na Chito Miranda habang papalapit ito sa kanyang kasintahan.

Wala namang tiyak na petsa kung kailan at saan balak magpakasal ng dalawa. -DCR

You can watch the Chito-Neri proposal on this link: Chito-Neri Grand Wedding Proposal 

Advertisements