Magkasanib na pwersa ng mga Pilipino at Vietnamese nag-rally kontra China

2013-Akbayan-China-Philippines-Protest

Anti China protesters in Manila. Image from: http://www.indymedia.org.nz/articles/1107

Sinugod ng magkasanib na pwersa ng mga raliyista mula sa Vietnam at Pilipinas ang Chinese Consulate sa The World Center Building sa Gil Puyat, Makati City.

Humigit kumulang sa 200 mga raliyista ang sumugod kaninang umaga sa naturang lugar para iprotesta ang patuloy na pambu-bully ng China sa West Philippine Sea.

Pinangunahan ng grupong Akbayan at Vietnamese Filipino Association ang protesta at pagkundena sa China.

Ipinoprotesta ng grupo ang patuloy na panghihimasok ng China sa mga teritoryong sakop ng Vietnam at Pilipinas. Giit ng mga raliyista, dapat ay lisanin na ng China ang West Philippine Sea at itigil na ang patuloy nitong pambu-bully sa iba pang bansa.

Dumalo rin sa naturang kilos protesta sina dating Congressman Roilo Golez at Akbayan Representative Walden Bello.

Para sa mga Vietnamese na sumama sa protesta, kanilang kinukundena ang ginawang pagbangga ng mga barko ng Tsina sa mga Maritime vessel ng Vietnam at pagbomba sa mga ito ng tubig.

Ang grupong Akbayan naman, binatikos ang China dahil sa  ginagawa nitong pagtatayo ng panibagong istruktura sa Mabini Reef at ang ginawang pagkatay ng mga poachers nito sa mga pawikan.

601x403xchina-back-off_jpg_pagespeed_ic_sfk2zvbdnv

Filipino anti China protesters in the Philippines. Image from: http://freedomforvietnam.wordpress.com/2012/05/24/standing-ones-ground-in-the-sea/

Matapos ang ilang oras ay mapayapa namang tinapos ng mga raliyista ang kanilang kilos protesta subalit nagbanta na hindi sila titigil hangga’t hindi rumerehistro sa China ang kanilang mga panawagan.

Matatandaan na noong Mayo 7 ay binangga ng mga barko ng China ang ilang Vietnamese Maritime vessel sa West Philippine Sea bukod pa sa binombahan nila ito ng tubig. Naganap ang tensyon matapos tangkain ng Vietnam na puntahan at paalisin ang mga Tsino sa itinatayo nitong oil rig doon.

Kahapon naman ay inilabas ng Department of Foreign Affairs ang mga kuhang larawan kung saan makikita ang pagtatayo ng bagong istruktura ng China sa Mabini Reef.

Bago ito ay 11 Chinese poachers na ang hinuli ng PNP Maritime Group matapos mahuling nangingisda malapit sa Hasa Hasa Shoal. Nakuha din  sa nasabing mga Chinese poachers ang hindi bababa sa 300 mga patay at buhay na pawikan.-DCR

Advertisements