OFW Remittances sa unang bahagi ng 2014 tumaas

MoneyMax-OFW-remittance-high

Image from Money Max PH

Tumaas ng 6.9% ang cash remittances ng bansa sa unang bahagi ng taong 2014.

Aabot ng halos $2.1 bilyon ang natanggap na cash remittances ng bansa noong Marso. Dahil dito nakapagtala naman ng 6.5% pagtaas ng cash remittances para sa naturang buwan.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), aabot sa tinatayang $6.085 bilyon ang natanggap na cash remittances ng bansa mula Enero hanggang Marso.

Malaking bahagi ng mga remittance ay nagmula sa United States, United Arab Emirates, Saudi Arabia, United Kingdom, Japan, Singapore at Hong Kong.

money-remittance1

Image from PinoyOFW.Com

Bukod dito, sinabi pa ng BSP na tumaas din ng 6.5% o katumbas ng $1.883 bilyon ang ipinadadalang cash remittances sa mga bangko noong Marso.  Umabot rin umano sa 4.5% o katumbas ng $4.1 bilyon ang ipinadadalang pera ng mga land based workers mula Enero hanggang Marso habang ang mga nagtatrabaho naman sa karagatan ay nakapagtala ng 10.9% na pagtaas o katumabas ng $1.4 milyon na cash remittances.

“Robust cash transfers in the first quarter of 2014 were supported by the sustained demand for skilled Filipino manpower,” pahayag pa ng BSP.

Sa datos naman mula sa Philippine Overseas Employment Administration, aabot ng 239,022 ang mga naaprubahang trabaho sa ibayong dagat mula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon. Aabot sa 24.5% sa naturang bilang ay mga trabaho para sa mga manggagawang nagbibigay ng serbisyo, produksiyon at mga nasa professional at technical sector para sa mga bansang Saudi Arabia, the United Arab Emirates, Taiwan, Kuwait, at Qatar.

Ayon sa mga financial analyst, ang perang ipinapadala ng mga Overseas Filipino Worker ang patuloy na magiging sandigan ng ekonomiya ng bansa. Ngayong taon, inaasahan na aakyat ng 5% o aabot ito ng P24 bilyon.-DCR

Advertisements