Korina Sanchez, Mike Enriquez at Luchi Valdes pinabulaanan ang pagkakadawit sa pork barrel scam

3 giant networks

Image from: Lion Heart TV

Mariing pinabulaanan ng mga mamamahayag na sina Korina Sanchez, (ABSCBN 2),  Mike Enriquez  (GMA-7), at Luchi Cruz-Valdes (TV5) ang inilabas na istorya ng Philippine Daily Inquirer kahapon na nagdadawit sa tatlo sa maanomalyang P10B pork barrel fund scam.

Kahapon ay inilabas ng Inquirer, ang istoryang tungkol sa mga miyembro ng midya na umano’y  kasama sa accounting records ng whistle blower na si Benhur Luy na nakakatanggap ng pera mula sa mga pekeng non-government organization (NGO) ni Janet Lim Napoles.

Ayon sa ulat ng pahayagan, isang Mon Arroyo umano ang tumanggap ng pera batay sa record ni Luy bilang birthday gift para kina Sanchez at Enriquez.

Nabanggit din si Cruz sa naturang ulat kung saan sinabing tumanggap ito ayon sa record ni luy ng halagang hindi naman nasabi ang halaga para umano sa kanyang “representation expenses”.

Korina

ABSCBN Chief Correspondent Korina Sanchez Image from: Wiki Pilipinas

Sa pahayag ni Sanchez, mariin  nitong itinanggi ang nakasulat sa nasabing pahayagan. Ayon pa rito, kahit minsan ay hindi siya tumanggap ng regalo mula sa pamilya Napoles at nakita lamang umano niya ito noong patapos na ang 2013 dahil sa isang interview.  “I only met Ms Janet Napoles and her family in late 2013 after having been assigned to interview the Napoles Family after the news had broken out about the alleged PDAF scam. I had never met Ms Napoles nor had any associations with her, her family, her employees or associates before then, nor after my interview with her and her family,” pahayag pa ni Sanchez.

Ayon pa rito, kilala naman umano niya si Arroyo subalit  hindi na umano niya ito nakita or nakausap matapos makipaghiwalay sa kanyang kaklase noong highschool mahigit 10 taon na ang nakakaraan.

“I am astounded to learn that I was supposed to have received a birthday gift from her one time 10 years ago in 2004. This never happened. I did not receive any such gift, in cash or kind, from Ms Napoles or her company nor through emissaries then and up to now.” “I am dismayed that an unsubstantiated lie such as this should be given as much attention. Because how do you prove a negative?”  dagdag pa ng batikang mamamahayag mula sa ABSCBN.

mike

GMA News anchor Mike Enriquez Image from: GMA Network.com

 

Sa panig naman ni Enriquez, sinabi nitong walang katotohanan ang nasabing ulat. Aniya, para sa mga taong nakasama at nakatrabaho niya, alam ng mga ito kung gaano siya ka-propesyunal pagdating sa kanyang trabaho. “I vehemently and in the strongest of terms deny knowing Janet Napoles at all and just as strongly deny receiving any gift in whatever form from her. People who know me personally and those whom I associate with professionally know very well that both my personal and professional conduct is in strict adherence to the GMA code of ethics and to the values of hard and honest work, decent living and service to God and country,” pahayag pa nito.

Mariin ding itinanggi ni Valdes ang pagkakadawit niya sa sinasabing accounting records ni Luy kung saan ay nakatanggap din umano ito ng pera mula sa pork barrel scam. “I deny and denounce any imputation or suggestion that I benefited in any way from the PDAF funds facilitated by Mr. Benhur Luy. “I have not ever met Mr. Luy, Ms. Janet Lim Napoles, or anyone from JLN Corp., and certainly have not received any gift in any form from their company. More broadly, over the course of more than three decades as a journalist, I have never received any gift from any party in exchange for any kind of consideration in my news coverage.” ”I deny any knowledge of the supposed “representation expense” incurred on my behalf by Mr. Mon Arroyo, as mentioned in the PDI report,” pahayag pa ni Valdes.

 

Luchi Cruz Valdez

TV5 News and Public Affairs Head, Luchi Cruz-Valdes Image from: Showbiznest

Kasunod nito, tahasang binatikos ni Valdes ang Inquirer dahil sa iresponsable umanong pagbabalita ng pahayagan ng wala namang basehan. Ayon kay Valdes, ang mga ganitong gawain ay nakakasira hindi lamang sa integridad ng mga taong nasasankot tulad niya kundi pati ng bawat instusyon sa midya kung saan kabilang ang Inquirer. “I denounce the reckless inclusion of my name in a list that has no legal legs to stand on. Luy’s supposed record is largely hearsay, the reporting of such as anything even remotely truthful not only casts grave doubt on my person and professional integrity, but on that of the very institution of the press of which the Inquirer is part,” pahayag pa nito.

Bukod kina Valdes, Enriquez at Sanchez kasama rin sa mga pinangalanan ng Inquirer sa ulat nito ang mga mamamahayag na sina Deo Macalma at Rey Pacheco na nakatanggap umano ng hindi bababa sa P715,00 mula 2004-2008. Bukod dito ay nakatanggap din umano ng P10,000 ang DJ na si Bon Vibar mula kay Arroyo noong September 2004.

Matatandaan na bago lumabas ang naturang ulat, una ng pinangalanan ng Inquirer ang DZBB radio broadcaster na si Melo Del Prado at TV5 broadcaster Erwin Tulfo bilang mga mamamahayag na kasama sa mga nasa payroll kaugnay ng pork barrel scam.-DCR

Advertisements