THAILAND UNDER MARTIAL LAW: Alert level 2 itinaas na ng DFA

 


Itinaas na ng Department of Foreign Affairs ang alert level 2 para sa mga Pilipinong nasa Thailand.

Ginawa ng DFA ang nasabing hakbang matapos ideklara ng Royal Thai Army ang martial law kaninang madaling-araw sa nasabing bansa.

Ayon sa kagawaran, sa ilalim ng alert level 2 ay pinapayuhan ang lahat ng Pilipino na maging mapagmatyag  at alerto. Pinapayuhan rin ang lahat ng Pinoy sa Thailand na iwasan ang mga lugar kung saan nagkakaroon ng mga protesta.

“Alert Level 2 is issued when there are real threats to the life, security, and property of Filipinos arising from internal disturbance in or external threat to the host country. Under Alert Level 2, Filipinos in Thailand are instructed to restrict non-essential movements, avoid public places and prepare for evacuation if necessary. Under Alert Level 2, the Department of Labor and Employment allows only overseas Filipino workers with existing contracts (balik-manggagawa) to return to their host country, “ pahayag ng kagawaran

Hangga’t maari ayon sa DFA ay huwag munang lumabas ang mga Pinoy kung hindi naman kailangan. Pinaghahanda rin ng kagawaran ang mga Pilipino doon sakaling kailangan ng magsagawa ng paglilikas.

“The Philippine Embassy in Bangkok advises Filipinos residing in or traveling to Thailand to avoid the rally sites and large gatherings and to refrain from taking part in the protest or other political activities. Everyone is advised to continue exercising extreme caution and vigilance and to closely monitor developments,” dagdag pa ng DFA.

Ang naging hakbang na ito ng DFA ay kasunod na rin ng kautusan mula kay Pangulong Benigno Aquino III na matiyak ang kaligtasan ng lahat ng Pilipino sa Thailand. Ayon sa Malacañang, patuloy na naka-monitor ang Pangulo sa sitwasyon sa naturang bansa.

thai 2

Screenshot from local Thai TV network courtesy of Emillen Idos

Kaninang madaling araw ay idineklara ng Thai military ang martial law sa buong Thailand. Tugon nila ito upang mapabalik umano ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang bansa matapos ang kaliwa’t kanang mga kaguluhan at protesta nitong nagdaang mga buwan.

thai 6

“In order to restore law and order to the country, we have declared martial law… I’m asking all those activist groups to stop all activities and cooperate with us in seeking a way out of this crisis,” pahayg ni Thai Army Chief Gen. Prayuth Chan-ocha.

Kasabay nito, sinabi naman ng DFA na umaasa silang maayos at mapayapang mareresolba ng Thailand ang kanilang kinakaharap nilang pagsubok. “Recalling the recent ASEAN Foreign Ministers’ Statement on this matter, the Philippines supports a peaceful resolution to the on-going challenge through dialogue and observance of democratic principles and the rule of law. The Philippines hopes for an early return to normalcy consistent with the will and interest of the Thai people,” pahayag pa ng kagawaran.

Advertisements