Matapos ang martial law: Thai military nagdeklara na ng kudeta

prayuth

Royal Thai Army Chief Gen. Prayuth Chan-ocha Image from: Thaivisa.com


Pormal ng idineklara ng Thai Royal Army ang kudeta sa Thailand.

Idineklara ng militar ang kudeta dalawang araw matapos itong magdeklara ng martial law.

Ginawa ni Royal Thai Army Chief Prayuth Chan O-Cha, ang pahayag kaninang hapon sa isang televised statement.

Aniya, napagpasyahan nilang ideklara ang kudeta sa kanilang bansa at kunin ang kapangyarihan mula sa gobyerno matapos ang ilang buwan ng krisis politikal doon.

“In order for the country to return to normal quickly the National Peace Keeping Committee comprised of the army, the Thai armed forces, the Royal Air Force and the police need to seize power as of May 22 at 4.30 pm,” pahayag pa ni Prayuth.

In order for the situation to return to normal quickly and for society to love and be at peace again … and to reform the structure of the political, economic and social structure, the military needs to take control of power,”  dagdag pa ng heneral.

Matapos ang pagdedeklara ay agad ng inilabas ng mga sundalo si Thai opposition leader Suthep Thaugsuban na nasa isang pagpupulong. Layon sana ng pulong na makahanap ng solusyon sa kaguluhang pulitikal sa kanilang bansa.

Bago ang deklarasyon ng kudeta, sinubukan ng militar na pagharapin ang mga naglalabang pwersa at hinimok ang mga ito na gumawa ng solusyon ngunit wala rin itong narating dahil kapwa ayaw bumitaw sa kanya-kanyang paninindigan ng magkabilang panig.-DCR

Advertisements