KUMPIRMADO NA: Pope Francis bibisitahin ang Pilipinas sa Enero 2015

822643p13636EDNMain68000331_Pope-Francis

Pope Francis Image from: osv.com

 

Nakatakdang bumisita si Pope Francis sa Pilipinas sa Enero 2015.

Ito ang kinumpirma mismo ng Santo Papa sa mga mamamahayag sa press conference na idinaos nito habang sakay ng isang eroplano pabalik sa Roma matapos ang ginawa nitong pagbisita sa Holy Land.

Ayon sa Santo Papa, bukod sa Pilipinas ay nakatakda rin nitong bisitahin ang Sri Lanka sa umpisa ng susunod na taon.

Una ng sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na naniniwala siyang bibisita si Pope Francis sa bansa. “The Vatican has not yet announced the dates and specific itinerary that the pope will observe, but I am confident it will happen early next year,” pahayag pa ng Kardinal mula sa CBCP News.

“I think one of the purposes of the visit of the Holy Father is to come close to the people who suffered from the recent typhoon (in November) and the earthquake (in October),” dagdag p pa ni Tagle.

Sa kabila nito ay hindi pa inilalabas ang detalye ng nakatakdang pagbisita ng Santo Papa sa bansa.

Bago ito ay mayroon ng imbitasyon para sa Santo Papa upang dumalo ito sa gaganaping International Eucharistic Congress sa Enero 2016.

Huling nabisita ang bansa ng isang Santo Papa ng ipagdiwang sa Maynila noong January 1995 ang World Youth Day kung saan pinangunahan ito ng pumanaw at santo ng si Pope John Paul II.

Sa kanyang video message noong nakaraang taon sa ginanap na Conference on New Evangelization sa University of Santo Tomas muling ipinaramdam ni Pope Francis ang pagiging malapit ng mga Pilipino sa kanyang puso. “Bring Jesus now into the world of politics, business, arts, science, technology, and social media. Let the Holy Spirit renew the creation and bring forth justice and peace in the Philippines and in the great continent of Asia that is close to my heart.”

“Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Asia! Pagpalain kayo ng Diyos,” pagtatapos na pagbati ng Santo Papa noong nakaraang taon. -DCR

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements