Chinese poachers mananatili sa kulungan -De Lima

dead pawikan

Dead sea turtles recovered from the boat of Chinese poachers near Hasa Hasa Shoal Image from abscbnnews.com


Maaari pa rin umanong ikulong ng gobyerno ng Pilipinas ang siyam na Chinese poachers na nahuli malapit sa Hasa Hasa Shoal (Half Moon Shoal) noong May 6.

Ito ang paglilinaw ni Department of Justice Secretary Leila De Lima.

Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos sabihin ni Pangulong Benigno Aquino III na batay sa United Nations Convention on the Law of Sea (UNCLOS) ang mga poachers ay hindi maaaring ikulong.

“What the President meant is that imprisonment as a penalty is discouraged, if not prescribed, under UNCLOS. But the coastal State concerned, here the Philippines, pursuant to its own laws and processes, may still arrest and detain alleged violators of the law, subject to their right to post bail,” pahayag ni De Lima sa text message na ipinadala sa mga mamamahayag.

Una ng sinabi ng Pangulo na hindi pwedeng parusahan ng pagkakakulong ang mga nadakip na Chinese poachers dahil ito ang nakasaad sa UNLCLOS kung saan isa ang Pilipinas sa mga signatories.

“Ang pagkaintindi ko, pwedeng arestuhin, pero hindi mo pwedeng ikulong as a penalty, which is na iyon ang nakasaad doon sa ating batas. Under Article 2 of the Constitution, Section 2, the second part of the statement says: ‘Adopts the generally accepted principles of international law as part of the law of the land. So ang dulo nito, habang ipinagtatanggol natin ang karapatan natin under UNCLOS, lalabagin rin natin iyong provision ng UNCLOS, inconsistent tayo,” pahayag ng Pangulo.

Sa ngayon ay nananatiling nakakulong sa Puerto Princesa City sa Palawan ang siyam na Chinese poachers. Pinalaya ang dalawa sa mga ito matapos madiskubreng sila ay menor de edad.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation Act at RA 8550  o Philippine Fisheries Code of 1998 ang mga nahuling Chinese poachers.-DCR

 

 

Advertisements