Saab Magalona nabugbog

Saab

Saab Magalona Photo from Saab Magalona’s Instagram

 

Binugbog umano ang artista at blogger na si Saab Magalona.

Sa inisyal na ulat ay isang lasing na lalaki umano ang responsable sa pambubugbog sa biktima.

Batay sa ulat sa dzRH ngayong umaga, nabatid na naganap ang bugbugan noong Sabado (May 31) ng madaling araw. Nagkaroon umano ng gig ang grupo ni Saab sa Capitol Commons sa Pasig City bago maganap ang insidente.

Kinumpirma naman ng kapatid ni Saab na si Elmo Magalona ang pangyayari subalit sinabing wala siya sa lugar ng maganap ito dahil siya ay nasa isang taping.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin kumpleto ang mga impormasyon hinggil sa naganap na bugbugan. Hindi pa rin malinaw kung sinu-sino ang mga nakasama sa pangyayari bukod kay Saab at kung magsasampa sila ng kaso ng inang si Pia.

Nakumpirma naman na nagpa-blotter na sa pulisya sa Pasig si Saab at sa ngayon ay nasa maayos na kondisyon naman ito.

Sa pahayag naman ni Saab sa kanyang blog, kinumpirma nito ang naganap na pananakit sa kanya.

Ayon sa kanyang blog post, isang lasing na lalaki ang nanggulo sa private event na kanyang dinadaluhan. Ayon pa sa blogger-actress, bukod sa kanya ay may iba pang sinaktan ang suspek.

Nanindigan naman si Saab na hindi niya papayagang makaapekto ang nangyari sa kanyang sarili. Nanindigan din ang aktres na lalabanan at haharapin niya ang insidente lalo na ang mga tulad nitong tumatalakay sa kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan.-DCR

Updated as of June 4, 2014  (3:28pm)

Advertisements