ONLINE PETITION INILUNSAD: Mga netizen nanawagan kay PNoy na ideklara na ang mga bagong national artist

online petition 1

Image from: Change.org


Umiikot ngayon sa internet ang inilunsad na online petition na nananawagan kay Pangulong Benigno Aquino III na ideklara na ang anim na nominado para sa pagka National Artist ng bansa.

Sa petisyon sa Change.org ng grupong Nora Aunor For National Artist Movement, nanawagan ito sa Pangulo na ideklara na ang anim na nominado sa pagiging Pambansang Alagad ng Sining.

Noon pang Oktubre ng nakaraang taon natapos ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP) ang pinal na listahan ng mga inirerekomenda nito para maideklarang national artist.

Kabilang sa mga ito sina Alice Reyes (Dance), Francisco Feliciano (Music), Cirilo Bautista (Literature), Nora Aunor (Film and Broadcast Arts), Jose Ma. Zaragoza (Architecture) at Francisco Coching (Visual Arts).

Ayon pa sa petisyon, matapos matanggap sa Office of the President (OP) ang shortlist ng mga inirerekomendang maging national artist ng NCCA at CCP ay ibinalik ito ng Pangulo sa Office of the Executive Secretary noong May 2 lamang.

Base sa panawagan ng grupo sa Pangulo, sinabi nitong hindi makatwiran na iantala pa nito ang paghahayag sa mga napiling bagong alagad ng sining sapagkat nakapasa naman ang mga ito sa mga pamatayang itinakda ng NCCA at CCP.

“Now that all required processes under the law have been completed, and the Honors Committee has endorsed to you all six candidates for confirmation, proclamation, and conferment, we do not see any compelling reason why you still won’t proclaim. Conversely, we believe it will be unpopular and unreasonable for you to delay it any further. Also, denying proclamation to any one of the six candidates would be harder to explain, because they have passed all tests as required in the vetting process,” pahayag ng grupo.

Ayon pa sa grupo, ang pagdedeklara sa mga bagong pambansang alagad ng sining ay magpapanumbalik sa respeto at tiwala ng taumbayan sa nasabing karangalan. “President Benigno S. Aquino III, when we learned about the new candidates for the Order of National Artists, we welcomed it with much rejoicing, because a new set of National Artists means the restoration of trust and respect for this state honor. We believe that you want your platform of governance, “Daang Matuwid” to be manifest as well in the Arts, and what better way to affirm this than to give the artistic community and the Filipino nation a new set of National Artists for our adulation and celebration. We need this inspiration in these uninspiring times,” pahayag pa ng grupo.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay mayroon ng 551 pirma ang nasabing petisyon at nangangailangan na lamang ito ng 449 na lagda para maiparating sa Pangulo.

Huling nagproklama ang bansa ng mga national artist noong panahon pa ng panunungkulan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ipinawalang bisa naman ng Supreme Court ang nasabing proklamasyon noong July 2013 dahil sa petisyong inihain sa korte ng mga tumutol dito.-DCR

 

 

Advertisements