Broadcaster sa Calapan City pinatay

Ph_locator_oriental_mindoro_calapan

Image retrieved from: Wikipedia Calapan


Patay ang isa na namang broadcaster matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Brgy. Lalud, Calapan City lalawigan ng Mindoro Oriental.

Nakilala ang biktima na si Nilo Bacolo Sr. 67.

Batay sa inisyal na ulat, nabatid na naglalakad pauwi sa kanyang tahanan kaninang tanghali si Bacolo ng ito ay bigla na lamang barilin ng riding in tandem.

Dalawang tama ng bala sa dibdib ang agad na ikinamatay ng biktima.

Si Bacolo ay dating broadcaster sa dwIM 936 AM kung saan siya ang host ng programang ‘Isumbong mo kay Ka Nilo’.

Noong February 4, 2008 ay nagsampa na sa Korte Suprema ng Writ of Amparo si Bacolo dahil sa natuklasan nitong banta sa kanyang buhay.

Isinampa noon ng biktima ang nasabing kahilingan sa korte matapos umano siyang kausapin noong December 2007 ng dapat sana ay papatay sa kanya.

Nabatid na nakausap ni Bacolo ang ‘assassin’ na binayaran umano para siya ay patayin. Itinuturong suspek sa tangkang pagpatay noon kay Bacolo ang negosyanteng si Wilfredo Caballero, Calapan City Administrator Antonio Perez, at Councilor Allan Mañibo.

Matapos ang halos na buwan ay na-deny naman ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ni Bacolo dahil sa kakulangan ng mga ebidensyang magpapatunay umano na may pagtatangka sa kanyang buhay. Napunta ang kahilingan ni Bacolo sa CA matapos ipag-utos dito noong Marso 2008 ng SC na hawakan ang petisyon ng biktima.

Agad namang binatikos ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang administrasyong Aquino dahil sa anila’y pagpapabaya nito sa nagpapatuloy na mga kaso ng pagpaslang sa mga alagad ng media sa bansa.

Binira din ng NUJP si Pangulong Benigno Aquino III dahil sa una nitong sinabi dati na karamihan naman sa mga napapatay na mamamahayag ay pinapaslang ng walang kaugnayan sa kanilang trabaho bilang mga miyembro ng media.

“He was the 165th journalist murdered in the country, the 33rd under the watch of President Benigno Aquino III and the fourth this year. Between a president who dismisses media killings because, to him, most victims are targeted “not because of professional activities, but, shall we say, other issues,” courts that, as Baculod sadly foretold, will believe lives are in danger only when those lives are actually lost, and security forces that, as a recent Human Rights Watch report and a number of other investigations into journalists’ murders have noted, are most likely involved, demanding, even hoping for, justice may seem to be an exercise in futility,” pahayag ng NUJP.

Kasunod nito, sinabi pa ng grupo na patuloy pa rin ang panawagan nila para sa hustisya.

Ganito rin halos ang naging panawagan ni National Press Club president Joel Egco. Nanawagan si Egco kay PNoy na pagtuunan ng pansin ang lumalalang kaso ng pagpaslang sa mga miyembro ng media sa bansa. “Again, we call on the Aquino administration to pay more serious attention to the worsening case of journalist killings under his watch. If proven to be work-related, Bacolo would be the 29th mediaman killed under Aquino, providing a more solid proof that things are not getting any better for journalists.”

Pang-apat si Bacolo sa mga pinaslang na mamamahayag ngayong taon. Kabilang sa mga pinatay bago ang biktima ay sina Ruby Garcia ng pahayagang Remate, Richard Nadjid mula sa Bongao, Tawi Tawi at Samuel Oliverio ng Digos City.-DCR

 

Advertisements