TAG-ULAN NAGSIMULA NA – PAGASA

ADMU rain

Photo retrieved from: www.admu.edu.ph

Nagsimula na ang panahon ng tag-ulan.

Ito ang inianunsyo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw matapos nilang maitala ang sunod-sunod na mga pag-ulan sa Metro Manila at iba pang karatig na lalawigan.

Ayon kay PAGASA Acting Administrator Vicente Malano, sa buwan ng Hulyo at Agosto ay maaring makaranas ang bansa ng ‘above normal’ na dami ng ulan.

“The prevailing synoptic conditions over the country are now characterized by southwesterly windflow, high humidity, and occurrence of daily rainshowers and thunderstorms. This development signifies the onset of the rainy season over the western section of the country. During the next two months (July-August), near (81-120%) to above normal (>120%) rainfall conditions are expected in most parts of the country. However, monsoon breaks are likely, which may last for several days,” pahayag ni Malano.

Sa kabila nito, muli pa ring nagpaalala si Malano sa posibilidad ng epekto ng El Niño phenomenon sa bansa o ang hindi normal na pag-init sa sea surface.

“Meanwhile, the unusual warming of sea surface temperature over the tropical Pacific indicates the development of El Niño within the next three months (June-July-August). Starting September, rainfall patterns in some parts of the country will be affected.”

Sa ngayon ay patuloy na nakakaranas ng mga pag-ulan ang Metro Manila.

Sa pinakahuling weather bulletin na inilabas ng PAGASA bandang alas-5 ng hapon, huling namataan ang tropical depression na si ‘Ester’ sa layong 200 kilometro hilaga, hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro bawat oras habang kumikilos ito patungong hilagang silangan sa bilis na 22 kilometro kada oras.

Bukas ng umaga (Miyerkules June 11), ang bagyong si Esther ay inaasahang nasa layong 700 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Sa ngayon ay nananatiling nakataas ang storm signal number 1 sa Batanes Groups of Islands.

Inaasahan din na pag-iibayuhin ng bagyong Ester ang hanging Habagat na magdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Ilocos Region.-DCR

 

Advertisements