CGMA hiniling na makapagparehistro sa COMELEC-Pampanga

P-GMA

Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo Image retrieved from: www.set.gov.ph

Hiniling ng kampo ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Sandiganbayan na ito ay makapunta sa Pampanga upang makapagparehisto.

Batay sa mosyong inihain ng mga abogado ni Arroyo sa Sandiganbayan First Division, hiniling ng mga ito sa anti-graft court na payagan ang nakapiit na kongresista na makapagparehistro sa kanyang bayan sa Lubao.

Ayon sa kampo ng dating pangulo, dalawang magkasunod na halalan ng hindi nakakaboto si Arroyo kung kaya kailangan nitong i-reactivate ang kanyang registration sa Commission on Elections (COMELEC).

Bukod dito ay hiniling din ng kampo ni Arroyo sa mosyon na kinakailangan din nitong magparehistro sa biometric registration ng COMELEC.

Sa patakaran ng komisyon ay tinatanggal nito ang sinumang botante sa active list of voters kapag hindi ito nakaboto sa dalawang magkasunod na eleksyon.

Nangako naman ang kampo ng kongresista na agad silang babalik sa Veterans Memorial Medical Center sa oras na matapos ang prosesong gagawin sa COMELEC.-DCR

Advertisements