PNoy sinigawan sa Naga: “Patalsikin ang Pork Barrel King!”-PNoy heckler

PNoy 1

President Benigno Aquino III during the 116th Independence Day celebration in Naga City yesterday Image from: PNoy Facebook Page

Pansamantalang natigilan si Pangulong Benigno Aquino III kahapon habang ito ay nagtatalumpati kaugnay ng pagdiriwang ng ika-116 Araw ng Kalayaan sa Naga City.

Ito ay matapos magsisigaw ang isang miyembro ng Youth Act Now at Kabatanan Partylist sa kalagitnaan ng talumpati ng Pangulo.

Nakilala ang ‘heckler’ ni PNoy na si Pio Emmanuel Mijares 19-anyos at estudyante ng Ateneo de Naga University.

Sa ulat ng pahayagang Bicol Standard, may layo lamang na halos 40 metro si Mijares sa Pangulo ng sumigaw ito ng “Patalsikin ang Pork Barrel King! Walang pagbabago sa Pilipinas!”

Agad namang naialis ng mga miyembro ng Presidential Security Group ang batang aktibista sa lugar.

Emmanuel-Pio-Mijares

PNoy’s heckler Pio Emmanuel Mijares of Ateneo de Naga University Image courtesy of Bicol Today

Dahil sa insidente ay isinailalim sa kustodiya ng Naga City PNP si Mijares kung saan ay sinampahan ito ng kasong paglabag sa Article 153 ng Revised Penal Code. Sa pinakahuling ulat ngayong hapon, pansamantalang pinalaya ng mga pulis si Mijares matapos pagpiyansahin ng halagang P2,000.

release order

The release order of Pio Mijares after posting bail for shouting against PNoy. Image courtesy of: Renato Reyes twitter page

Agad namang binatikos ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang ginawang pag-aresto kay Mijares.

Ayon sa CEGP, kung ang simpleng pagpapahayag ng damdamin ay magiging batayan ng administrasyong Aquino para ipakulong ang isang tao ay wala na rin itong pinagkaiba sa rehimen ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

“Mijares bellowed “Patalsikin ang Pork Barrel King! Walang pagbabago sa Pilipinas!” was a critical response of the Filipino youth to the worsening conditions of the Philippine society including rampant corruption, abuse of power, unending impunity, loss of sovereignty and inadequate social services. Thus, BS Aquino is not different from his predecessors who perpetuated a reactionary government. Mijares’ arrest signifies that for 116 years the Filipino people are not yet free. If a mere exercise of rightful expression is a basis for incarceration, then the BS Aquino regime is no different from the fascist orientation of the Marcos Martial Law,” pahayag pa ng CEGP.

Ayon pa sa grupo, isang sampal sa kasalukuyang administrasyon ang isang tulad ni Mijares na handang magpakulong maipaabot lamang ang hinaing at makapagprotesta kaysa sa Pangulo at mga kaalyado nitong patuloy ang pagtanggi sa pang-aabuso sa kapangyarihan at pagiging pabaya sa mamamayan.-DCR

Advertisements