DFA itinaas na ang alert level 3 sa Iraq

DFA logo

Image retrieved from Wikipedia

Itinaas na sa alert level 3 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang krisis sa Iraq.

Inilabas ng DFA ang kanilang kautusan ngayong araw kasunod ng lumalalang sitwasyon ng seguridad sa nasabing bansa.

Sa ilalim ng alert level 3 ay hinihimok ng gobyerno ang lahat ng Pilipinong nananatili sa Iraq na kusang loob ng bumalik sa bansa sa pamamagitan ng voluntary repatriation program ng pamahalaan.

Hindi naman kasama sa nasabing alerto ang Iraqi Kurdistan region habang nananatili rin ang alert level 1 ng DFA para sa nasabing lugar.

“In view of the deteriorating security situation in Iraq, the Department of Foreign Affairs has raised the crisis alert level for all areas in Iraq to Alert Level 3 (Voluntary Repatriation) except for the Iraqi Kurdistan region which remains under Alert Level 1 (Precautionary Phase). Kurdistan remains relatively calm and stable,” pahayag ng DFA.

Kasunod nito ay nakatakdang magpalabas ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng kautusan na nagbabawal sa pag-deploy ng mga Pilipino sa nasabing bansa.

Sasagutin ng gobyerno ang gastusin para sa mga Pilipinong nasa Iraq na magnanais ng umuwi dito sa Pilipinas.

Nakatakda ring magpadala ng isang rapid response team ang kagawaran sa Iraq para tumulong sa voluntary repatriation ng mga Pilipino doon. -DCR

 

Advertisements