Hold departure order inilabas ng Sandiganbayan laban kay Estrada at iba pang kasama sa pork barrel case

jinggoy estrada

Sen. Jinggoy Estrada Image from: senjinggoyestrada.com

Nagpalabas na ng hold departure order ang Sandiganbayan 5th Division laban kay Sen. Jinggoy Estrada.

Bukod kay Estrada, kasama rin sa hold departure order sina Pauline Therese Mary Labayen, Department of Budget and Management Undersecretary Mario Relampagos, Rosario Nuñez, Lalaine Paule, Marilou Bare, Allan Javellana, Rhodora Mendoza, Maria Julie Villaralvo-Johnson, Victor Roman Cacal, Maria Ninez Guañizo, John Raymund De Asis at si Janet Lim Napoles.

Si Estrada at ang mga kasama nito ay sinampahan ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan kaugnay ng sinasabing paglabag nila sa seksyon 3 ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Napunta ang kaso ni Estrada kaugnay ng pork barrel scam sa Sandiganbayan 5th Division sa pangunguna ni Presiding Justice Roland B. Jurado matapos ang raffle na ginawa noong nakaraang Biyernes.

Dahil sa HDO na inilabas ng korte, hindi na muna maaaring makalabas ng bansa si Estrada at ang iba pang kasama nito sa naturang kaso.-DCR

 

Advertisements