Gigi Reyes kasama: Hold departure order inilabas laban kay Enrile

Enrile

Sen. Juan Ponce Enrile Image from: correctphilippines.org

 

Naglabas na rin ng hold departure order ang Sandiganbayan 3rd Division laban kay Sen. Juan Ponce Enrile para sa kasong graft na isinampa dito ng Ombudsman.

Bukod kay Enrile kasama rin sa HDO ang dati nitong chief of staff na si Atty. Gigi Reyes at ang sinasabing pork barrel scam queen Janet Lim Napoles.

Kasama din nila Enrile, Napoles at Reyes na binabaan ng HDO ang aabot sa 45 iba pang mga indibidwal na kapwa nila akusado sa graft charges na isinampa ng Ombudsman.

Pirmado nina Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tan, Justice Alex Quiros at Justice Samuel Martirez ang inilabas na kautusan.

Dahil dito, agad na inatasan ng anti-graft court ang Bureau of Immigration na ipatupad nito ang inilabas nilang kautusan.

Bukod kay Enrile ay mayroon na ring HDO sina Sen. Jinggoy Estrada na inilabas kahapon at si Sen. Ramon Revilla na inilabas naman kanina.-DCR

 

 

Advertisements