Pati Pag-Asa Island gusto na ring kunin: China pinaaalis na ang Pilipinas sa Spratly Islands

Pag-Asa

Pag-Asa Island Image retrieved from: Global Balita

 

Nais ng China na lisanin na ng Pilipinas ang lahat ng islang inookupa nito sa Spratly Islands (Kalayaan Islands) na bahagi ng West Philippine Sea.

Ito ang naging tugon ng China matapos ipanukala kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario ang pagkakaroon ng ‘moratorium’ sa lahat ng aktibidad sa mga pinag-aagawang teritoryo sa nasabing lugar.

Inakusahan ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying ang Pilipinas ng ilegal na pag-okupa sa mga isla sa Spratly Islands kung saan partikular na binanggit nito ang ginawang pag-okupa at pagtatayo ng komunidad ng bansa sa Pag-Asa Island (Zhongye Island).

“China has indisputable sovereignty over the Nansha Islands and their adjacent waters. Activities by China on relevant islands or reefs of the Nansha Islands fall completely within China’s sovereignty. Since the 1970s, the Philippines has illegally and forcefully occupied parts of China’s Nansha Islands including the Zhongye Island, in violation of the UN Charter and principles of international law. We demand the Philippines to withdraw all its facilities and personnel on islands illegally seized from China,”pahayag ni Chunying.

Bukod dito pinuna rin ng China ang dati ng napabalitang balak ng gobyerno na pag-upgrade sa air strip sa Kalayaan Island at mga pasilidad ng militar doon.

Ani Chunying, dapat na itigil na ng Pilipinas ang mga mapanghamong pahayag at aksyon nito laban sa China at sa halip ay sumunod sa mga itinatadhana ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

“The Philippine side, on the one hand, intentionally takes provocative actions while on the other hand makes irresponsible remarks on China’s legitimate actions which are within China’s sovereignty. That is unjustifiable. We call on the Philippine side to correct its erroneous actions, strictly follow the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), and stop provocations that would further aggravate and complicate the situation,” pahayag pa ng opisyal.

Sa isang press briefing ngayong araw sinabi ni DFA Spokesman Charles Jose na sana ay irekonsidera ng China ang nauna nitong pagbalewala sa panawagan ng Pilipinas ukol sa moratorium ng mga aktibidad sa mga pinag-aagawang isla.

“We hope China will rethink its position. This is good for China. This is good for everyone,” pahayag ni Jose.

Una ng nadiskubre ng gobyerno ang halos sabay sabay na aktibidad ng China sa Kalayaan Islands kung saan nagsasagawa ito ng reclamation activity tulad sa Mabini Reef, McKennan (Hughes) Reef at iba pang isla sa naturang lugar.-DCR

 

Advertisements