Sandigabayan naglabas na ng hold departure order para kay Revilla

revilla

Sen. Bong Revilla Image from: 101pinoy.info

Nagpalabas na rin ng hold departure order ang Sandiganbayan 1st Division para kay Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla para sa kasong graft at plunder na isinampa laban dito ng Ombudsman.

Bukod kay Revilla, kasama rin sa mga pinagbawalan ng bumiyahe palabas ng bansa para sa kasong plunder sina Richard Cambe, Ronald John Lim, John Raymund De Asis at Janet Lim Napoles.

Sa kasong graft naman, bukod kina Revilla, Cambe, De Asis, at Napoles ay binabaan din ng HDO sina Mario Relampagos, Rosario Nuñez, Lalaine Paule, Marilous Dare, Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Francisco Figura, Ma. Rosalinda Lacsamana, Marivic Jover, Myla Ogerio, Eulogio Rodriguez, Laarni Uy, atConsuelo Espiritu.

Kasama rin sa HDO para sa graft charges sina Evelyn De Leon, Allan Javellana, Rhodora Mendoza, Encarnita Munsod, Maria Julie Villaralvo-Johnson, Victoria Cacal, Maria Ninez Guañizo, Gondelina Amata, Emmanuel Alexis Sevidal, Ofelia Ordoñez, Sofia Cruz, Chita Jalandoni, Gregoria Buenaventura, Jocelyn Piorato, at Evelyn Sucgang.

Pirmado nina Sandiganbayan 1st Division Presiding Justice Efren N.  Dela Cruz at mga miyembro nitong sina Justice Rodolfo A. Ponferrada at Justice Rafael R. Lagos ang kautusan.

Kaugnay nito, agad na ring ipinag-utos ng Sandiganbayan sa Bureau of Immigration na ipatupad ang hold departure order.

Noong nakaraang Biyernes lamang nai-raffle at napunta sa naturang dibisyon ang kasong graft at plunder laban kay Revilla.-DCR

Advertisements