Mandatory repatriation ipatutupad na: Crisis alert level 4 itinaas na sa Iraq ng DFA

dfa logo

 

Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level 4 para sa Iraq.

Nangangahulugan ito ng mandatory repatriation para sa lahat ng Pilipinong naroon.

Bukod dito ay ipatitigil na rin ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa naturang bansa.

“Due to the rapidly deteriorating security situation in Iraq, the Department of Foreign Affairs has raised the crisis alert level for all areas in Iraq to Alert Level 4 (Mandatory Repatriation) except for the Iraqi Kurdistan Region, which remains under Alert Level 1 (Precautionary Phase). Kurdistan remains relatively calm and stable,” pahayag ng DFA.

Ang deklarasyon ng DFA ay kasunod ng pagtindi ng sitwasyong panseguridad sa Iraq.

Sa mandatory repatriation na ipapatupad ay sasagutin lahat ng gobyerno ang gastusin para sa pagpapauwi ng mga Pilipino mula sa  apektadong bansa.

“Filipinos in Iraq will be assisted by the Philippine Embassy in Baghdad and the Rapid Response Team, which are currently undertaking registration of overseas Filipino workers for repatriation,” ayon pa sa DFA.

Una ng nagpadala ng rapid response team ang DFA sa Iraq matapos unang ipatupad ang voluntary repatriation sa ilalim ng crisis alert level 3.-DCR

Advertisements