Warrant of arrest laban kay Revilla inilabas na

 

Inilabas na ng Sandigabayan 1st Division ang warrant of arrest laban kay Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at iba pang mga sangkot sa graft at plunder charges na isinampa ng Ombudsman.

Pirmado ni Justice Efren Dela Cruz ang arrest warrant at sa ngayon ay hawak na ito ng Sheriff’s Office ng anti-graft court.

Bukod kay Revilla ay kasama rin sa ipinaaaresto na sina para sa kasong plunder sina Richard Cambe, Ronald John Lim, John Raymund De Asis at Janet Lim Napoles.

Dahil naman sa kasong graft bukod kina Revilla, Cambe, De Asis, at Napoles ay ipinaaaresto rin sina Mario Relampagos, Rosario Nuñez, Lalaine Paule, Marilous Dare, Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Francisco Figura, Ma. Rosalinda Lacsamana, Marivic Jover, Myla Ogerio, Eulogio Rodriguez, Laarni Uy, at Consuelo Espiritu.

Kasama rin sa graft charges sina Evelyn De Leon, Allan Javellana, Rhodora Mendoza, Encarnita Munsod, Maria Julie Villaralvo-Johnson, Victoria Cacal, Maria Ninez Guañizo, Gondelina Amata, Emmanuel Alexis Sevidal, Ofelia Ordoñez, Sofia Cruz, Chita Jalandoni, Gregoria Buenaventura, Jocelyn Piorato, at Evelyn Sucgang.

Bago sumuko sa Sandiganbayan ay dumaan muna sa isang simbahan si Revilla kasama ang asawa nitong si Cavite Rep. Lani Mercado at mga anak nito.

Pagdating sa Sandiganbayan ay inaasahang maglalabas ng commitment order ang anti-graft court para mabatid kung saan ikukulong ang senador.

Sa ngayon ay naghahanda na rin ang Philippine National Police dahil sa Camp Crame inaasahang ikukustodiya ang senador.-DCR

 

 

Advertisements