China binigyang babala ang Pilipinas at Japan

nine dash line

Disputed area in the West Philippine Sea Image from: theatlantic.com

Nagbabala ang China sa Japan at Pilipinas na huwag gumawa ng anumang mga hakbang na maaaring makapagpalala ng tensyon sa rehiyon kaugnay ng hidwaan sa teritoryo.

Ito ang naging tugon ng China matapos ang ginawang pagbisita ni Pangulong Benigno Aquino III sa Japan at pakikipag-usap kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

 “It is our opinion that relevant countries should show sincerity and move towards the same direction with China, rather than deliberately stir up tension and bring additional complicated factors to the regional situation,” pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying.

Bago ito, una ng sinabi ng opisyal na matagal ng ninanais ng China ang maresolba ang  usapin tungkol sa pag-aagawan sa teritoryo gamit ang bilateral approach sa mga bansang may kaparehas na isyu. Binatikos din ng China ang Pilipinas sa pagdulog nito ng usapin ng agawan sa teritoryo sa Japan.

 “We took notes of the remarks made by the Philippine leader during his visit to Japan. I’d like to point out that China has been long committed to resolving disputes concerning territory and maritime jurisdiction with countries directly concerned through bilateral negotiation and coordination on the basis of respecting historical facts and international laws. It is our opinion that relevant countries should show sincerity and move towards the same direction with China, rather than deliberately stir up tension and bring additional complicated factors to the regional situation. We hope that interactions between countries concerned can inject positive energy to the maintaining of regional peace and stability and play a constructive role, not the opposite,”  ayon pa kay Chunying.

Sa kanyang pagtungo sa Japan noong Martes (June 24) ay binigyang diin ng Pangulo ang importansya ng pagtulong ng Japan sa mga kaalyadong bansa nito.

“We believe that nations of goodwill can only benefit if the Japanese government is empowered to assist others, and is allowed the wherewithal to come to the aid of those in need, especially in the area of collective self-defense,” pahayag ng Pangulo.

PNoy and Abe

Philippine President Benigno Aquino III and Japanese Prime Minister Shinzo Abe Image from: PNoy Facebook Page

Sa kanyang talumpati kasama si Abe, sinabi ni PNoy na sinusuportahan ng kanyang administrasyon ang panukalang pagbabago sa konstitusyon ng Japan upang mapayagan ang hukbong sandatahan nito na tumulong sa mga kaalyadong bansa sa panahon ng pag-atake at banta sa seguridad.

Senkaku

Disputed islands in southern part of Japan Image from: bbc.com

We therefore do not view with alarm any proposal to revisit the Japanese constitution, if the Japanese people so desire, especially if this enhances Japan’s ability to address its international obligations, and brings us closer to the attainment of our shared goals of peace, stability, and mutual prosperity,”  pahayag pa ni PNoy.

Ang Japan at Pilipinas ay kapwa may alitan sa teritoryo laban sa China. Bukod sa Spratly Islands na inaangkin ng China sa West Philippine Sea ay inaangkin din nito ang grupo ng mga isla sa Senkaku Islands sa East China Sea.

Kahapon ay inilabas ng China ang bago nitong mapa kung saan mas pinalawak pa nito ang inaangking lugar sa pamamagitan ng 10 dash line sa bagong mapa nito. Ang naturang mga linya ay direktang dumadaan sa mga karagatang sakop ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia at Brunei.

Agad namang binatikos ng Malacañang ang China dahil sa naturang hakbang at sinabing walang kwenta ang naturang mapa lalo na at hindi naman ito kinikilala ng international community at hindi rin naaayon sa itinatakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea.-DCR

Advertisements