BREAKING NEWS: Davao Occidental niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

PHIVOLCS

Image from PHIVOLCS

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Southern Mindanao ngayong hapon lamang.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang episentro ng pagyanig ay may layong 88 kilometro timog silangan ng Don Marcelino, Davao Occidental.

Naganap ang lindol bandang 3:59 kaninang hapon na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang intensity 4 ng lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental.

Nakapagtala naman ng intensity 3 sa Glan, Saranggani habang naitala naman ang intensity 2 ng pagyanig sa General Santos City at Davao City habang intensity 1 naman ang naitala sa M’lang, North Cotabato at Tupi, South Cotabato.

Base sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at wala namang inaasahang pagkasira ng mga ari-arian. Bukod dito ay wala pa ring naiuulat na mga sugatan dahil sa pagyanig.

Bagama’t nasa dagat ang sentro ng pagyanig, sinabi ng PHIVOLCS na hindi inaasahan ang tsunami dahil sa lindol.-DCR

Advertisements