Walang pasok: July 29 regular holiday ayon sa Malacañang

Eid'l Fitr

Image from: Official Gazette

 

Idineklara ng Malacañang bilang isang regular holiday ang July 29 (Martes) kaugnay ng paggunita sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan.

Inilabas ng Palasyo ang Proclamation No. 826 sa bisa ng lagda ni Executive Secretary Paquito Ochoa upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makiisa sa mga kapatid na Muslim para sa mahalagang araw na ito sa kanilang pananampalataya.

Dahil sa tumapat ng Martes ang July 29 ay dapat namang masunod ang mga pamantayan sa tamang pagpapasahod na itinakda ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung papasok ang isang empleyado o manggagawa sa araw na ito.-DCR

 

 

Advertisements