Catapang bagong AFP Chief of Staff

Catapang

Lt. Gen. Gregorio Pio Catapang Jr.

 

Nakapili na si Pangulong Benigno Aquino III ng bagong mamumuno sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nakatakdang italaga ng Pangulo bilang ika-45 AFP chief of staff si Vice Chief of Staff Lt. Gen. Gregorio Pio Catapang Jr.

Ilan sa mga naging tungkulin ni Catapang ay ang pagiging pinuno ng AFP Northern Luzon Command. Si Catapang din ay naging commander ng 7th Infantry Division ng Philippine Army.

Papalitan ni Catapang ang magreretirong si AFP Chief of Staff General Emmanuel Bautista.

Si Catapang tulad ni Bautista ay miyembro ng Philippine Military Academy Class 1981.

Bukod dito ay dati ring miyembro ang susunod na pinuno ng AFP ng Reform  the Armed Forces Movement. Ang naturang grupo ay kasamang nagplano para mapatalsik si dating pangulong Ferdinand Marcos sa pwesto noong Pebrero 1986.

Magaganap naman ang change of command ng AFP sa Biyernes sa Camp Aguinaldo na pangungunahan ni PNoy.

Ilan sa mga sinasabing pinagpilian para maging pinuno ng AFP bukod kay Catapang ay sina Army chief Lt. Gen. Hernando Iriberri na dating military aide ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, at si Air Force chief Lt. Gen. Jeffrey Delgado, na dating aide de camp naman ng yumaong dating pangulong Corazon Aquino.-DCR

Advertisements