“Noynoy HolDAPer” ipinarada kasabay ng SONA

 

Ipinarada ng mga militanteng grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan ang isang effigy ni Pangulong Benigno Aquino III na tinawag nilang “Noynoy HolDAPer” kasabay ng pagsasagawa ng Pangulo ng kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.

Ang naturang effigy ay sagot umano ng grupo kaugnay sa isyu ng Disbursement Acceleration Program na patuloy na ipinagtatanggol ng administrasyong Aquino sa kabila ng pagkakadeklarang unconstitutional ng Supreme Court sa ilang probisyon nito.

Ayon kay BAYAN secretary general Renato Reyes, walang ng naniniwala sa mga sa ipinagmamalaking matuwid na daan ni PNoy pati na rin sa sinasabi nitong mga indikasyon na gumaganda na ang ekonomiya ng bansa.

“Aquino can talk all he wants about his daang matuwid and rosy economic indicators, but no one is buying. His achievements mean nothing to the ordinary working people. His anti-corruption campaign is a sham because he is now exposed as the most corrupt; being engaged in at least 116 counts of technical malversation, gross violations of the General Appropriations Act as well as being engaged in corruption of public officials and patronage politics through the pork barrel system,” pahayag ni Reyes.

Bukod sa pagbatikos tungkol sa usapin ng DAP,  ilan pa sa mga bitbit na isyu rin ng mga militanteng grupo ngayong araw ng SONA ang usapin ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), paglabag sa karapatang pantao, kahirapan, patuloy na pagbawas sa budget sa edukasyon at pagtaas ng matrikula, at reporma sa  usaping agraryo at pamamahagi ng lupa.

Tinawag naman ng  YOUTH ACT NOW ang Pangulo bilang “thief executive” dahil sa pagkakasangkot ng administrasyon nito sa isa sa pinakamalaking eskandalo tungkol sa korupsyon.

“In YOUTH ACT NOW, we call him the ‘thief executive’ for his central role in inventing and implementing the unconstitutional Disbursement Acceleration Program (DAP). For students who continue to suffer unabatedly from tuition increases, he’s tuition hike king. For the Filipino people who bore the brunt of spiraling prices of basic commodities, he’s price hike king,” pahayag ni YOUTH ACT NOW spokesman Victor Villanueva.-

Kabasay din ng SONA ay iginiit din ni Kabataan Rep. Terry Ridon ang pagpapatalsik sa Pangulo sa pamamagitan ng impeachment. Bukod sa isinampang impeachment complaint ng grupong Kabataan ay dalawang kaso pa ng impeachment ang isinampa laban kay PNoy kasabay ng pagharap nito  ngayong araw sa kanyang mga “Boss”  para ilahad ang kanyang ulat sa bayan.-DCR

 

Advertisements