Vice Ganda at Teddy Casiño nagsagutan sa Twitter

Nagkasagutan sa Twitter ang komedyante at sikat na TV host na si Vice Ganda at si dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño kaugnay ng nagdaang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Bahagyang nagkasagutan ang dalawa ng mag tweet ang komedyante ng mga reaksyon nito higgil sa  SONA.

Isa sa mga tweet ni Vice patungkol sa mga militanteng nagprotesta sa SONA ay ito, “Hindi lahat ng nagpoprotesta totoong nag aaklas.  Yung iba dyan nabayaran lang at sinuhulan ng pambili ng bigas.”

Agad naman itong sinagot ni Casiño ng mga katagang “Yung umattend sa loob ng Congress sinuhulan ng bilyon bilyon sa DAP”.  Tinukoy ni Casiño sa naturang tweet ang Disbursement Acceleration Program ng administrasyong Aquino na naideklarang unconstitutional ang ilang probisyon  matapos desisyunan ng Supreme Court ang legalidad nito.

vice

Tila patutsada namang  sinagot  ni Vice ang tweet ng dating kongresista sa pagsasabing hindi naman lahat siguro ay nabigyan ng pondo mula sa DAP kaya may iba ring nagagalit at nagpoprotesta. “Kung totoo man po sir hindi naman siguro lahat kaya nga yung iba TUMATALAK.”

Noong Lunes ay iba’t ibang progresibong organisasyon tulad ng Bayan Muna, Anakpawis, Kabataan, Anakbayan at Gabriela ang sumugod sa Commonwealth Avenue para idaos ang “SONA ng Bayan”  na isinabay nila sa pag-uulat ni PNoy ng mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng isang taon.

Ayon sa mga militante, ang pagkilos nila noong Lunes ang isa sa pinakamalaking welgang bayan na ikinasa laban sa SONA ng Pangulo simula ng siya ay maluklok sa pwesto noong 2010.

Sa kanyang ulat sa bayan naman ay ipinagmalaki ng Pangulo ang ilan sa mga nagawa ng kanyang administrasyon tulad ng mabilis umanong pagtugon ng gobyerno matapos manalanta ang bagyong Yolanda sa Kabisayaan noong nakaraang taon.

Bukod dito ay ibinida rin ng Pangulo ang modernisasyon ng Armed  Forces of the Philippines at ang patuloy na gumaganda umanong ekonomiya ng bansa. Pinuri din ni PNoy ang Philippine National Police dahil sa matagumpay umano nitong anti criminality campaign.

Taliwas naman sa inaasahan ng marami, walang nabanggit ang Pangulo  tungkol sa ilang maiinit ding isyu tulad ng Freedom of Information Bill, pagresolba sa Maguindanao massacre, auditing ng mga mga pondong pinagdalhan sa kontrobersyal na DAP at iba pang mahahalagang isyu. –DCR

 

 

 

 

 

Advertisements