12 Chinese poachers hinatulang guilty

Image from: phys.org
Guilty!
Ito ang naging hatol ng Puerto Princesa Regional Trial Court Branch 51 sa 12 Chinese poacher na nahuli sa bahagi ng Tubbataha Reef noong Abril 2013 matapos sumasadsad ang kanilang barko sa nasabing lugar.
12 taong pagkakakulong ang inihatol ni RTC Judge Ambrosio de Luna para sa kapitan ng barko na si Liu Wen Jie.
Hindi naman bababa anim hanggang 10 taon na pagkakakulong ang inihatol ng korte sa mga mangingisda na nakilalang sina Che Li Yong, Fan Len Tie, Xuan Ven Fe, Wang Yu Zhen, Lizhong Sheng, Lizhiming, Liu Cheng Tie, Tung Zhue We, Tang Hai Liny, Wen Hong Min at Qi Vixn dahil sa paglabag sa Republic Act 10067 o mas kilala bilang Tubbataha Protected Area Law of 2009.
Bukod sa naturang kaso ay kasalukuyan pang dinidinig sa korte ang kasong kriminal laban sa mga Chinese poacher matapos nilang tangkaing suhulan ang mga awtoridad na nakahuli sa kanila.
Suportado naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naging desisyon ng korte laban sa mga Chinese poacher.
“The verdict was based on applicable Philippine laws, The place where these Chinese fishermen were apprehended in April 2013 is part of the Philippines’ internal waters where it has exclusive sovereignty,” pahayag pa ni DFA Spokesman Charles Jose.
Bukod sa pagkakapiit ay pinagmumulta din ng korte ng $100,000 ang bawat Chinese poacher.
Sinabi ni provincial prosecutor Allen Ross Rodriguez na dahil sa desisyong ito ay hihilingin nila agad sa hukuman na maipit ang 12 Tsino sa Iwahig Penal Colony sa Palawan.
Sa ngayon kasi ayon kay Rodriguez ay nakakalaya pa rin ang mga mangingisda matapos ang piyansang inihain ng mga ito sa korte.
Abril 2013 ng mahuli sa karagatang sakop ng bansa ang 12 Chinese poacher matapos sumadsad ang kanilang barko na Min Long Yu.
Matapos akyatin ng mga awtoridad ay nakuha sa pag-iingat ng mga Tsino ang halos 10,000 kilo ng Pangolins o anteaters na deklaradong endangered species.-DCR
Naku mabuti pa dyan dito sa Teresa Rizal sa amin mahal na mahal namin mga yan lang mga huthutan namin dito tulad ng FR cement nako dati naming mayor na si Rodel Dela Cruz tumanggap bilang kapalit ng Environmental violation ng FR ay 10,000 bags lang naman na ipinangpagawa ng bahay niya at si Eddie Santos municipal Engineering Office thousand of bags,si Menro Marlon Pielago pati mga Kaiptan tulad ni Jhon San jose 3,000 bags of cement,pati Sanguniang bayan nga Teresa may kanya kanya hakot makaiwas lang sa babayaran penalty ang FR cement Corp. sa mga Construction Beeder naman namin nako tigiisa sila ng mga sasakyan Innova Red sila uniform pa mga bukod pa sa Foremost Farm at sa Robina Farm at ABC cement kaya lahat ng Environmental violation nandito na sa amin ako naman walang magawa nagiisa lang ako mabait!
LikeLike