#ChickenSad: Dahil sa kakapusan ng suplay Jollibee humingi ng paumanhin sa mga customer

Jolly

Photo courtesy of celebratepcsa.wordpress.com

 

Humingi ng paumanhin ang sikat na fastfood chain ng bansa ang Jollibee Foods Corporation matapos maglabasan ang ilang reklamo partikular sa social media tungkol sa kawalan o kakapusan sa suplay ng ilan nilang kilalang produkto tulad ng “Chickenjoy”.

Naging trending topic din sa Twitter ang kawalan ng Chickenjoy sa halos lahat ng sangay ng Jollibee dahilan para gumamit ang mga netizen ng hashtag na #ChickenSad.

Chicken Sad

Image courtesy of Twitter

Ayon sa pamunuan ng Jollibee, nagpapatupad sila ngayon ng upgrade sa kanilang sistema na siyang nakaapekto sa pagdadala ng mga produkto patungo sa iba’t ibang mga branches dito sa Metro Manila at iba pang karatig na lungsod.

“Unfortunately, this change in system has initially affected the delivery schedule of raw materials from our commissary to select stores,” pahayag ni Jollibee vice president for marketing Harvey Ong.

Chickey sad 1

Screeshot from Twitter

Dahil sa nabanggit na pangyayari may ilan din umanong braches ng Jollibee ang pansamantalang nagsara dahil sa kawalan ng suplay.

“A number of Jollibee branches in Metro Manila and a few stores in surrounding cities are currently operating on a limited menu. This is a result of our ongoing major systems upgrade which we are undertaking to further improve our service delivery. Rest assured that this is only temporary.”

Sa kabila nito ay tiniyak ng pamunuan ng Jollibee na ginagawa nila ang lahat para agad na maiayos ang kanilang sistema at patuloy na mapaglingkuran ang kanilang mga tagatangkilik.

“We would like to clarify that this is NOT a supply issue or a chicken shortage situation. Rest assured that this is only temporary as we are working round the clock to ensure that all our products – including Chickenjoy, Jolly Spaghetti and Yumburgers – will be made available again in all the affected stores soonest. In fact, some of these stores have already begun offering these Jollibee favorites again,” pahayag pa ni Ong.-DCR

Advertisements