CINEMALAYA 2014: Nora Aunor itinanghal na Best Actress para sa Hustisya

Ate Guy and Eula

Eula Valdez (Best Actress, Dagitab New Breed) and Nora Aunor (Best Actress, Hustisya, Directors Showcase) Image from: Julia Valdes Facebook

Itinanghal bilang pinakamahusay na aktres (Directors Showcase) sa pagtatapos ng Cinemalaya 2014 ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor para sa kanyang pelikulang Hustisya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon ni Aunor na tumanggap ng katulad na parangal mula sa Cinemalaya.

Bukod kay La Aunor ay itinanghal ring Best Actress (New Breed) si Eula Valdez para sa pelikulang Dagitab.

Si Robert Arevalo naman ang itinanghal na pinakamahusay na actor (Directors Showcase) para sa pelikulang Hari ng Tondo habang nakuha naman ni Dante Rivero ang best actor (New Breed) para sa pelikulang 1st ko si 3rd.

 

Ang pelikula ni La Aunor na Hustisya ay tumalakay sa   kwento ng isang katiwala na kalaunan ay naging utak na  rin ng isang illegal recruitment syndicate.

Hustisya    Dagitab

Sa naturang pelikula ay ginampanan ni Ate Guy ang   katauhan ni Biring, isang hindi gaanong nakapag-aral na  babae na sa una ay katiwala lamang ni Vivian (Rosanna  Roces) ngunit sa huli ay nasira ang pagkakaibigan ng  dalawa dahilan para ipapatay din ni Biring ang kaibigan.

 Ipinakita sa pelikulang idinirehe ni Joel Lamangan ang  sakit ng lipunan. Kabilang na dito ang prostitusyon,  kriminalidad, polusyon, korapsyon at maging ang  pagbabanal banalan ng ilang taong simbahan ay hindi  rin pinatawad ng pelikula.

 Sa kabila rin ng mga paghihirap na pinagdaanan ni Biring ay ipinakita nito ang isang imahe ng probinsyanang sa Maynila na nakipagsapalaran. Isang probinsyana na kahit anong hirap ang dinanas ay buo pa rin ang tiwala sa kapalarang maaaring ihatid ng pakikipamuhay sa magulong Kamaynilaan.

Bukod sa pagkapanalo ni La Aunor ay nakuha din ng pelikulang Hustisya ang Audience Choice Award para sa Directors Showcase category at NETPAC Award.

Kinilala rin sa Cinemalaya  2014 Award’s Night si Kidlat Tahimik (Eric de Guia). Pinarangalan ang natatanging artista at direktor na si Kidlat Tahimik ng Gawad Balanghai at binansagan bilang “Father of Philippine Independent Cinema” para sa natatangi nitong kontribusyon sa industriya ng indie film sa Pilipinas.-DCR

 

 

LISTAHAN NG MGA NANALO SA CINEMALAYA 2014 

Best Poster Design: Justin Besana for Asintado

 

Audience Choice Award, New Breed Category: Sundalong Kanin

 

Audience Choice Award, Directors’ Showcase: Hustisya

 

2014 Gawad Balanghai: Kidlat Tahimik, father of Philippine Independent Cinema

 

 

 DIRECTORS SHOWCASE

 

Special Jury Prize – Hari ng Tondo

NETPAC Award: Hustisya

Best Sound – The Janitor

 

Best Musical Score – Richard Gonzales, Kasal

 

Best Editing – Tara Illenberger, The Janitor

 

Best Production Design – Harley Alcasid, Kasal

 

Best Cinematography – Mycko David, Kasal

 

Best Screenplay – Aloy Adlawan and Michael Tuviera The Janitor

 

Best Performance by an Actor in a Supporting Role – Nicco Manalo, The Janitor

 

Best Performance by an Actress in a Supporting Role – Cris Villonco, Hari ng Tondo

 

Best Performance by a Lead Actor – Robert Arevalo, Hari ng Tondo

 

Best Performance by a Lead Actress – Nora Aunor, Hustisya

 

Best Director – Michael Tuviera, The Janitor

 

Best Film – Kasal

 

 

NEW BREED CATEGORY

 

Special citation for Ensemble Acting – #Y

 

Special Jury Prize – K’na, the Dreamweaver

 

Canon Award Best Cinematography – Children’s Show

 

NETPAC Award: Bwaya

 

Best Sound – Children’s Show

 

Best Musical Score – Erwin Fajardo, Bwaya

 

Best Editing – Gerone Centena, Children’s Show

 

Best Production Design – Toym Imao, K’na, the Dreamweaver

 

Best Cinematography – Neil Daza, Bwaya

 

Best Screenplay – Giancarlo Abrahan, Dagitab

 

Best Performance by an Actor in a Supporting Role – Miggs Cuaderno, Children’s Show

 

Best Performance by an Actress in a Supporting Role – Barbie Forteza, Mariquina

 

Best Performance by a Lead Actor – Dante Rivero, 1st Ko Si 3rd

 

Best Performance by a Lead Actress -Eula Valdez, Dagitab

 

Best Film – Bwaya

 

Best Director – Giancarlo Abrahan, Dagitab

 

 

SHORT FEATURE

 

Best Screenplay – Kevin Ang Tan, Lola

 

Best Director – Kevin Ang Tan, Lola

 

Best Film – Asan si Lolo Me

 

Special Jury Prize – The Ordinary Things We Do

 

Audience Choice – Lola

 

 

 

 

 

 

Advertisements