Klase sa PUP suspendido dahil sa bomb threat

PUP1

 

Sinuspinde na ng pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Sta. Mesa, Manila – Main Campus ang klase ngayong araw matapos makatanggap ng bomb threat.

Natanggap ng paaralan ang bomb threath pasado 12:00 ng tanghali kanina.

Dahil dito ay nagpasya na ang pamunuan ng unibersidad na suspendihin ang klase sa PUP-Main Campus simula 12:00 ng tanghali ngayong araw.

Inaatasan na rin ng mga awtoridad ang mga estudyante at kawani ng unibersidad na lisanin ang kanilang mga silid dahil sa banta ng bomba. 

PUP

Patungo na rin sa lugar ang mga operatiba mula sa Manila Police District upang siguruhin kung may katotohanan ang bomb threat na natanggap ng pamantasan.

Ilang linggo pa lamang ang nakakalipas ng makatanggap ng katulad na bomb threat ang Far Eastern University sa Maynila dahilan para magsuspinde rin ng klase ang pamantasan.-DCR

 

Advertisements