5 day Papal visit nagsimula na: Pope Francis dumating na sa South Korea

Pope Francis Holds His Weekly General Audience

Image from: iamkoream.com

Dumating na si Pope Francis sa South Korea upang simulan ang limang araw nitong papal visit doon.

Sakay ng eroplano mula sa Vatican ay lumapag ngayong umaga ang Santo Papa sa isang airbase sa Seoul.

Sinalubong si Pope Francis ni South Korean President Park Geun-hye kasama ang ilang defector mula sa North Korea at ilang kaanak ng mga biktima ng malagim na Sewol Ferry tragedy na kumitil sa buhay ng maraming estudyante.

Ang pagbisita ng Santo Papa sa SoKor ang pinakauna sa loob ng 25 taon at pinakauna rin para naman sa Asya na huling nabisita ng pumanaw at ngayon ay santo ng si St. John Paul II ng magtungo ito sa India noong 1999.

Papa Francisco

Pope Francis (left) with South Korean President Park Geun-hye (Right) during the arrival ceremony in Seoul Image from: Vatican Radio – English Section Facebook

Vatican Radio – English Section Facebook

Layunin ng pagtungo ni Pope Francis sa SoKor ang kilalanin ang patuloy na paglaganap sa isa sa mga maimpluwensyang bansa sa Asya.

Logo Korea

Offiicial Logo of Pope Francis’s Papal Visit to South Korea Image from: Catholic Archdiocese of Seoul Facebook

Matapos ang pagkikita sa paliparan ay inaasahan na magtutungo si Pope Francis sa presidential office para makipag-usap kay Park.

Bukas araw ng Biyernes ay matutungo ang Santo Papa sa Daejon para magmisa sa World Cup Stadium doon. Doon rin niya nakatakdang kitain ang mga pamilya ng mga nabiktima ng Sewol Ferry tragedy.

Sa Sabado ang isa sa highlight ng pagbisita ng papal visit kung saan magtutungo si Pope Francis sa Seosomun Martyrs’ Shrine upang magbigay respeto sa lugar kung saan naganap ang pagpaslang sa pinakamaraming bilang ng mga Koreanong katoliko noong panahon ng pag-uusig sa Katolisismo sa SoKor.

Magtutungo rin ang Santo Papa sa Gwanghwamun Square at dito isasagawa ng beatipikasyon ng 125 martir na pinaslang noong 18th at 19th century.

Sa Linggo naman ay pangungunahan ni Pope Francis ang concluding mass ng Sixth Asian Youth Day sa Haemi Fortress. Dito inaasahan na makakasalamuha ng Santo Papa ang iba’t ibang kabataang Asyano mula sa  23 bansa sa Asya bukod pa sa 4,000 kabataang Koreano.

Inaasahan naman na magpapaabot ng mensahe ng kapayapaan sa North Korea ang Santo Papa sa huling misa na gagawin nito sa Myeongdong Cathedral sa Seoul bago ito bumalik sa Vatican sa Lunes ng hapon.-DCR

 

Advertisements