Kamaynilaan biglang binaha: Pasok sa UST kanselado na

UST

Image from: The Varsitarian


Suspendido na simula pa kaninang 4:00 ng hapon ang klase sa University of Santo Tomas sa España, Maynila.

Ito ay kaugnay ng nararanasang malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila na nagbunsod para bahain ang ilang pangunahing lansangan sa Kamaynilaan.

Bukod sa UST ay nagsuspinde na rin ng klase ang San Sebastian College of Recoletos sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila.

SSCR1

Screen shot from SSCR Twitter

SSCR Twitter

Kabilang sa mga binahang lugar dulot ng malakas na ulan ay ang España at Taft Avenue sa Maynila.

Nagsikip din ang daloy ng trapiko mula Quezon Boulevard patungong San Lazaro dahil sa may kataasang baha sa Central Market.

Sa Quezon City naman ay binaha ang mga bahagi ng Betty Go Belmonte, Araneta Avenue at E. Rodriguez Avenue partikular sa harapan ng Delos Santos Hospital.

Espana

España, Manila as of 3:55pm Image from ANC

Binaha din bunsod ng malakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng Quezon Avenue.

Base sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 4:45 ngayong hapon, patuloy na makakaranas ng thunderstorm ang Metro Manila partikular na ang Caloocan, Malabon, Navotas, Maynila at San Juan.

Kasama din sa makakaranas ng pag-ulan ang Rodriguez at Cardona sa lalawigan ng Rizal, Candelaria, Masinloc, at Palauig sa Zambales at ilang bahagi ng Tarlac, Bataan at Laguna.-DCR

 

 

 

Advertisements