SolGen Jardeleza bagong mahistrado ng Supreme Court

Jardeleza

Newly appointed Supreme Court Associate Justice Francis H. Jardeleza Image courtesy of www.interaksyon.com


Itinalaga na ni Pangulong Benigno Aquino III si Solicitor General Francis H. Jardeleza bilang pinakabagong associate justice ng Korte Suprema.

Ayon kay PCOO Sec. Sonny Coloma, naidala na ngayong umaga ang appointment papers ni Jardeleza sa SC.

Bago ang pormal na pagtatalaga ngayong araw ay nagdesisyon kahapon lamang ang SC na isama sa listahan ng mga nominado para sa binakanteng posisyon ni dating retired associate justice Roberto Abad ang pangalan ni Jardeleza.

Kinatigan ng korte ang mosyon ni Jardeleza na humihiling na maisama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga nominadong isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) sa MalacaƱang para mapagpilian ni PNoy ng itatalagang mahistrado sa SC.

Appointment paper

Photo courtesy of ANC

ANC

Una ng natanggal ang pangalan ni Jardeleza sa listahan matapos ang ilang isyu sa integridad nitong ipinuna ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa naganap na en banc session kahapon nakakuha ng botong 7-4 ang mosyon ni Jardeleza dahilan para mapasama ang pangalan nito sa listahan.

Ang desisyon ng SC ay pinonente ni associate justice Jose Mendoza.

Hindi naman sumama sa botohan sina Sereno at associate justice Antonio Carpio.-DCR

Advertisements