Daniel Matsunaga itinanghal na PBB All In Big Winner

Daniel

Pinoy Big Brother All In Big Winner Daniel Matsunaga Image from: PBB All In Facebook

 


Itinanghal na Pinoy Big Brother All In Big Winner si ang Brazilian-Japanese actor-model na si Daniel Matsunaga.

Napaiyak at naging emosyonal ang 25-anyos na hunk model matapos iproklama ang kanyang pangalan bilang pinakabagong Big Winner ng Pinoy reality show.

Ginanap ang big night ng PBB All In sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Hiyawan at tilian ang fans nina Maris Racal at Matsunaga ng tuluyang ianunsyo ni ABSCBN Channel Head Ms. Cory Vidanes na si Racal ang 2nd Big Placer.

Tila nagulat naman ang PBB Host na si Toni Gonzaga at si dating PBB Teen Big Winner Kim Chiu ng i-anunsyo nila na si Jane Oineza ang 3rd Big Placer.

Sinalubong naman ng kanyang magulang kasama ang boyfriend na si Jayson Abalos si PBB 4th Big Placer Vickie Rushton.

Abut-abot ang pasasalamat ni Matsunaga sa kanyang mga tagahanga at sa lahat ng sumuporta sa kanya habang nasa loob ng bahay ni Kuya.

May 17 ng pumasok si Matsunaga sa Pinoy Big Brother House.

Ang “Hunk of the World ng Makati”  ay nagtagal sa PBB House ng mahigit tatlong buwan kung saan iba’t ibang challenges ang nilagpasan nito.

Nagsimulang umere ang PBB All In noong April 27 at tumagal ng halos apat na buwan.

Inaasahan na dahil sa pagkakapanalong ito ni Matsunaga ay mas magkakaroon ng tingkad ang kanyang showbiz career sa hinaharap.-DCR

Advertisements