Radio broadcaster sugatan matapos barilin sa Dagupan City

Dagupan City

Image from: Wikipedia

Sugatan matapos barilin kaninang madaling araw ang isa na namang radio broadcaster sa Dagupan City, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Orlando “Orly” Navarro, 54, at OIC station manager ng dwIZ Dagupan.

Nabatid na pauwi na ng kanyang bahay ang biktima sa Brgy. Pantal at kabababa lamang ng sinakyang tricycle ng barilin ng hindi pa nakikilalang salarin.

Agad na naitakbo sa pagamutan ang biktima na ngayon ay kakailanganing maoperahan upang matanggal ang balang pumasok sa katawan nito.

dwiz-logo

Kilala si Navarro bilang isang “hard hitting” brodkaster dahil sa kanyang mga programang Orly sa IZ at Isyu at Reaksyon.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Dagupan City PNP ang naganap na tangkang pag-atake sa biktima.

Agad ding kinundena ng Aliw Broadcasting Corporation na siyang nagpapatakbo ng dwIZ Dagupan ang insidente.

Sa pinakahuling tala ay mahigit na sa 20 mamamahayag ang pinatay sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Nananatili naman ang bansa sa ikatlong pwesto sa Impunity Index Rating ng Committee to Protect Journalists dahil sa dami ng kaso ng pag-atake sa mga mamamahayag sa bansa.-DCR

Advertisements